CHAPTER 4

3239 Words
"I'm addicted to you Don't you know that you're toxic?" - Britney Spears, Toxic. Poison Paradise.           ***      Ivy Vargaz. "Ano na ang balita sa mission mo, SPO1 Vargaz? Gusto kong makarinig ng good news ngayong araw ah?" Chief Joel Coronel asked me sternly. His cold stare and his stance screams high power. Napangiti ako ng kaunti sa malaking screen ng monitor, kung saan ka-conference ko ngayon ang Director ng CIDG. Since nasa Quezon City s'ya ngayon at nasa Negros Oriental ako, by conference na lang ang meeting namin dahil hindi rin ako makaalis dito sa Negros dahil nga sa classified mission ko. And I can't abandon my duty and responsibility here. Kahit nasa mission ako, nag-ta-trabaho pa rin naman ako sa police station ng SAF and I love what I'm doing. Kahit araw-araw akong pinepeste ni Arabella sa trabaho ko. Tumikhim ako saka umayos ng tayo. "Yes, Chief. May good news po akong hatid ngayon pero meron din kaunting bad news." sagot ko without batting an eye. Kita kong umayos ng upo si Chief at bahagya pang kumibot ang makakapal niyang kilay. His face said it all, he's curious. "Okay, magsimula ka muna sa bad news." sambit n'ya, asking me to go on after. I nodded my head lightly, "Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa Chief, may problema po tayo sa budget. Nuong unang pasok ko po sa nasabing isla, ubos kaagad ang paunang budget ko na five hundred thousand pesos. Dalawang gabing stay lang po iyon sa isla, Chief. Pero the good news is, nagka-interraction kaagad ako sa subject ko sa unang araw na nanduon ako and ever since that day, naging tuloy-tuloy na ang progress ko sa mission ko. Araw-araw, nasa police station siya at araw-araw din niya akong niyayayang makipag-date sa kaniya. Konting pakikipaglaruan pa sa kaniya, Chief. I guarantee you, I'll be back in their b**m Island in no time,"  Tumaas ng kaunti ang gilid ng labi ni Chief. And I know that he's taunting me. Sa ilang taon ko rin pagta-trabaho sa CIDG dati, alam na alam ko na si Chief Coronel. Hindi siya madaling mapahanga. Though, I used to be his favorite nuong nasa CIDG pa ako. But that change nang lumipat ako sa SAF. "At paano mo ako makukumbinse na makakabalik ka sa b**m Island without using the national budget?" He said sternly as he looked at me as if I'm just a small insect. I smirked lightly. "Dahil napag-alaman ko na ang mga members ng Isla ay puwedeng mag-release ng invitation sa kanilang napiling guest," I paused. Sinasadya ko talagang huwag magpatuloy dahil alam kong may come back siyang pang-iinsulto sa akin. "And how can you prove that? Ang sabi mo nga 'di ba, niyayaya ka pa lang niyang mag-date? How can you guarantee na bibigyan ka n'ya ng invitation? Hindi ba kasama sa training mo dito sa CIDG na huwag magtitiwala sa target mo? How can you trust your entrance to the island if maghihintay ka lang ng invitation galing sa kaniya? How can you be so sure na bibigyan ka n'ya in the first place? You know these kind of people, Vargaz, they're not a fool. They are smart and they play their games nice and smooth without failing." Oh 'di ba? I know he'll taunt me. And I know how to execute these kind of insult. Pinakita ko talaga kay Chief ang ngisi sa labi ko and seeing his reaction through the huge monitor? It makes me feel powerful. Years of experience in the field, sanay na sanay na ako sa mga ganito. At sanay na sanay na rin akong makipaglaruan sa mga target ko without failing. Kaya ang nilalaro ni Arabella sa akin, walang-wala sa mga naging experience ko. Like I said, I can play her games better than she think. "I can't say kung kailan, but give me a week, Chief. One week, I guarantee you the invitation in the island." nangingiting sabi ko. My voice was oozing in confidence and I know Chief Coronel hates that. Well, that's why I'm doing it. I love challenging my superior's patience.  Ito ang sekreto ko kaya ang daming napupunta na assignment sa akin. Even classified ones, just like this. "Hmm, I see. Mayabang ka pa rin hanggang ngayon ha, Vargaz?" He breathes heavily as he gave me a slicing look. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa ako nakahandusay dito sa office ng CIDG. "Very well then, I'll give you one week to get that invitation. Tignan natin kung uubra pa ba 'yang yabang mo kapag wala kang naipakitang invitation sa akin within one week. Kapag wala akong nakitang invitation, ibibigay ko sa iba ang assignment na ito. At hindi mo iyon gugustuhin dahil nakasalalay dito ang promotion mo from SPO1 to Police Inspector." "Yes, Sir!" Taas noo kong sagot sabay matikas na sumaludo sa kaniya. "You're dismissed for now. Mag-uusap muli tayo next week. And I expect that invitation, SPO1 Ivy Vargaz." He pointed me his index finger warningly. Then after that, the monitor went black. ******   Poison Paradise.              *** Arabella Martinelli. "I told you, she's bad news." Zell said with a shrugged while I was still scanning this report that he collected about Ivy. "Sorella, are you really sure about this?" tanong muli ni Zell sa ika-apat na pagkakataon ngayong araw matapos kong mabasa ang nakalap na report n'ya patungol kay Ivy baby ko. And for the fourth time that day, I rolled my eyes at him. "Yes, Zell. For the love of God, can you stop asking that stupid question again?" naiiritang wika ko. Buwisit na baklang 'to. Akala ba n'ya hindi ko alam ang ginagawa ko? I'm a grown-up for Pete's sake and I know very well on how to execute my plan. I heard Zell let out a long sighed. His blue eyes met my glassy ones. "I'm just concern about you, Sorella. Alam mo 'yan. And as your brother and your butler, tungkulin ko ang protektahan ka. Mas gusto kong ligtas ka kaysa masaya ka nga pero nakikipaglaruan ka naman sa apoy na puwedeng ikaw ang matupok sa huli." I stare at his blue eyes longer than I should. "Then just continue to protect me and trust me instead. I know what I'm doing, Zell." Tumayo na ako sa kinauupuan ko sa ibabaw ng table dito sa office ni Zell at aalis na sana ako nang tawagin muli ako ni Zell. I stopped, pero hindi ako lumingon. "Contessa wants to talk to you in private. She wants to discuss the invitation that you'd like to release for Ivy." Napapikit ako. Gosh. Not that talk again. "Sure. Kailan ba ang balik n'ya from Russia?" walang ganang tanong ko. Hindi na ako nag-abalang lumingon kay Zell, alam ko naman na nakatitig s'ya ngayon sa akin. And I'm not in the mood to argue with him about this again. This is not the first time that he told me to stop this habang maaga pa. Pero wala na siyang magagawa dahil buo na ang loob ko tungkol dito. "In three days time. Magkita na lang daw kayo sa Island." I nod my head lightly. "Sure." maikling sagot ko saka na ako lumabas ng office ni Zell dito sa malaking rest house ko dito sa Negros. Paglabas ko ng rest house, sumalubong kaagad sa akin ang sariwang hangin. Napapikit ako sa sarap na hatid nito, it makes me relax. Lalo na naamoy ko ang pinaghalong amoy ng dagat at amoy ng mga nagtatayuang malalaking pine tree sa paligid ng rest house ko. Umuulan ngayon kaya ang wild ng hatid na amoy sa akin ng dagat at mga halaman sa paligid. Nawawala ang mga iniisip ko patungkol sa napakaraming bagay. Una na lang si Contessa, si Zell at si Ivy. Though I'm not worried na CIDG turned SAF si Ivy. Not in the slightest. But I'm more worried sa magiging reaksyon at desisyon ni Contessa sa desisyon kong magpadala ng invitation kay Ivy sa b**m Island. I'm more than sure that I want Ivy to join me in the island. Gosh, I never wanted a woman like this. Sana lang makita ni Contessa 'yon. At sana maintindihan n'ya ang point ko na I'm also doing this for a good cause. Again, napabuga ako ng malalim na hininga. And when I opened my eyes again, I'm on my feet toward my waiting speed boat. Pagdating ko sa port after 10 minutes of driving, I immediately jump onto my sport car and drove it to the police station. At habang binabaybay ko ang daan patungo sa police station kung saan nag-ta-trabaho ang Ivy baby ko, kinuha ko ang solarin cellphone ko sa handbag ko saka di-nial ang number ng manager ng b**m Island. And as expected, sa ikatlong ring, duon n'ya sinagot ang tawag ko. He's always been like this. After three rings, duon n'ya sasagutin ang tawag ng mga mahahalagang members ng Island. "Miss Martinelli, how can I be your service for today?"  "I would like you to release an invitation for my guest,"  As expected, I heard the manager gasped on the other line.  Well, I can't blame his surprise about this. Kilala na kasi n'ya ako at alam na alam niyang hate na hate kong nag-i-invite ng babae sa b**m Island. I never done this before. Wala pa akong ni-request ng invitation dahil marami namang pagpipiliin na babae sa Island. They have all the type of women there. I just need to choose wisely. Pero walang Ivy Vargaz sa mga babae sa Island. That's for a fact. At walang makakapigil sa akin sa pagpapadala ng invitation sa kaniya. Not even Contessa. The manager clears his throat to get my attention.  "May I know the name of your guest, Miss Martinelli?" Ako naman ngayon ang tumikhim at nag-concentrate na lang sa pagmamaneho. I shouldn't overthink this.  "Yes, her name is Ivy Vargaz." "Copy that. Does one of the owner knows about this?" Shit. I can't tell him that Contessa didn't permit me to release any invitation yet. Pero ayoko nang patagalin pa ito. Alam ko rin naman na mapapapayag ko si Contessa. Hindi ako naging second n'ya for nothing. "Yes." Napapikit ako ng ilang segundo. Ivy is worth the trouble. Kaya bahala na pag dating ni Contessa. Po-problemahin ko na lang iyon kapag nanduon na ako. But right now, I really need that invitation to be release as soon as possible. "Alright then. May I know for how long do you want your guest to stay in the island?" "Indefinite." "Copy that. Should I organize another cabin for her?" "Yes, in strawbery division. I want the fully furnished cabin for her and make sure the room is soundproof." napangisi ako.  Yeah right. Soundproof cabin is nice. Ayoko atang ma-called out for noise report. May apat na division ang mga cabin sa Island; First division is for the counsil members or simply called the owners and their division side is called "Vanilla". Habang ang second division naman ay for the members of the high table which is called the "Mint" side. And the third division is for the guest of the high table members which is called "Strawbery." side. Then lastly, the visitors division and it is called the "Chocolate" side. The fourth division is for those people na walang invitation, more like sila iyong independent members ng Island. "Surely, Miss Martinelli. Last question before I finalize the invitation, where do you wish to visit most in the Island? I guess, bondage section?" Napangiti ako. See? He knew me very well. Alam niyang hindi ako lumalabas sa bondage section. Unlike sa mga cabin na may four division. Ang b**m sa island ay may tatlong division; First is the Bondage and Discipline section. Second is the dominant and submissive section and third is the sadism and masochism section. Every section has a building, it's like a hotel building. At ang building ng bondage ay nasa likuran ng isla, kung saan overlooking ang cliff at may katabi pa itong kuweba. I'm sure, magugustuhan ni Ivy duon. Malayo ang pagitan ng bawat section. Kakailanganin mo pang mag-drive ng golf cart or speed boat para makarating ka sa ibang bahagi ng isla kung nasaan ang ibang section ng b**m. "You knew me well, Manuel." pagpupuri ko sa manager ng island. "Of course. It is my job to know every high table desires. Especially yours, Miss Martinelli." I rolled my eyes playfully and I bet he knows I'm rolling my eyes at him right now. "Sipsip ka talaga, Verdugo. Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa akin? Pinaghintay mo ako ng 45 minutes sa cabin ko. Buwisit ka." paalala ko sa kaniya sa ginawa nito sa akin. Alam pa naman niyang ayaw na ayaw kong may na-la-late. Nakakainis pa rin kasi hanggang ngayon. Hindi ko matanggap na pinaghintay ako ng gano'n katagal. "Sorry na. Heto na nga at binibilisan ko na ang release ng invitation mo oh. Kailan mo ba gustong ipadala ito at anong address? I'll do it for free na lang, pambayad ba sa late thing the last time," I was grinning from ear to ear. Now, we're talking. Sino bang aayaw sa free? Mahal din ang pagpapadala ng invitation ha? Nasa around one hundred pesos din. Hindi lang kasi basta-basta papel lang na invitation ang ni-re-release nila. Those invitations are very special. May touch of gold ang mga iyon. "Ah, 'yan naman ay hindi ko matatanggihan. I love things for free, you know." I heard Manuel chuckle. "Mga gago talaga kayong mga high table members. Mukha lahat kayong libre. Namumulubi na ako sa inyo ha? Lalo na 'yang kaibigan mong princesa ng Greece. Buwisit na 'yan. Sa dami niyang pera, kinuwartahan pa ako ng punyeta." I laughed at Manuel's remark. Nagkwentuhan pa kami ng ilang sandali at pagbaba ng tawag ko kay Manuel, sakto rin nakarating na ako sa police station kung saan nag-ta-trabaho ang Ivy baby ko. May malaking ngiti sa labi ko sa kaalaman na ma-re-release na ang invitation bukas. Iyon ang huling sinabi ni Manuel sa akin bago kami magpaalam sa isa't isa. At heto ako at makikitang muli ang Ivy baby ko. Mapepeste ko na naman ang araw n'ya. I love it when I ruin her day. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya naiinis at nasisira ang araw n'ya. After nuong date namin sa pizza parlor, we became more and more close. Well, para sa akin iyon. Pero para sa kaniya, isa pa rin daw akong peste sa buhay n'ya. At kapag sinasabi kong isa akong maganda at hot na peste, umaasim na ang mukha n'ya. Gosh, she's so cute when she's annoyed. And I want to annoy her everyday. I want to push her to her limits. At heto ako, in a mission of ruining her day again. But this day, I plan it more special. May mala-demonyong ngiti ang sumilay sa mga labi ko habang papasok na ako sa police station. And when I made it inside, lahat ng police na nakakita sa akin ay binati ako na may nakakalokong ngiti pang nakapaskil sa mga mukha nila. But I didn't mind them. I'm here for Ivy and when I saw her to her table, reading some files again, the smile in my lips grew even more wider. "We meet again, Sayang." pagbati ko sa kaniya nang makarating ako sa harapan ng table n'ya. As usual, she growl in annoyance then she look up at me to give me her infamous eye roll. "Ikaw na naman? Ano na naman kailangan mo sa akin, Miss Martinelli?" Oh baby. You can play better than that. Nakangising sabi ko sa loob-loob ko habang pinagmamasdan ang magandang mukha n'ya. Sobrang nakakadagdag sa s*x apeal n'ya ang suot nitong black fatigue uniform ng SAF. It makes me want to f**k her right here, right now. But I won't do that. Yet. There's a good time for that. And when she accept the invitation, which I know she will? I promise to myself that I'll f**k her mercilessly hard.  "I'm here to wait for you. Gusto kitang ihatid sa bahay mo later. Am I not a good 'girlfriend' baby?" pagbibigay diin ko sa word na girlfriend while wiggling my eyebrows playfully. That night when she used me in front of her ex-boyfriend, palagi ko nang pinapaalala sa kaniya ang pagtawag nitong 'girlfriend' sa akin and whenever I rub that to her face, mas lalong umaasim ang mukha n'ya at medyo namumula pa ang kaniyang pisngi. Katulad na lang ngayon. Gosh, I can't help myself but to pinch her nose. Tinampal naman n'ya kaagad ang kamay ko. At in fairness ang sakit ng tampal n'ya ha? It sting. But it felt good nevertheless. "Ouch. Grabe ka naman sa girlfriend mo, sayang." Mas lalong dumilim ang paningin n'ya sa akin. Kulang na nga lang umusok na ang ilong n'ya sa inis eh.  Gosh. My sayang is so adorable! "Don't call me sayang dahil hindi naman nga ako indonesian." Gigil na saad n'ya. "Indonesian or not, you're still my sayang. My Ivy baby." I sweetly said with a flirtatious wink. And to tease her even more, I bit my lower lip while I'm looking at her with my sultry look. Kinunutan n'ya ako ng noo. Kita kong nagtaas-baba ang paningin nito sa mata ko at sa labi ko. Mas lalo tuloy akong napangisi. "Can you stop that? At puwede ba huwag mong kagatin 'yang labi mo? Mukha kang ahas. Ang pangit mo." she exclaimed. But that didn't stopped me. Bagkus, dinilaan ko pa ang ibabang labi ko for her to see and I can't missed the way she looked at me licking my lips. At kitang-kita ko rin ang way ng paglunok nito at pag-iwas niya ng tingin nang makitang nahuli ko siya sa akto. Deny, deny pa kasi s'ya eh halata namang type din n'ya ako. Sino bang aayaw sa isang katulad ko? Sa isang Arabella Martinelli? Sus! If I know. "Do you want me to stop?" I asked her, one eyebrow raised, smirk still plastered on my lips. "Yes. And you better do it now before I lose my temper and punch you in your freaking turd face." Ang harsh talaga nito sa kagandahan ko. Turd face raw? Sa ganda kong ito? Never akong magmumukhang tae. Magmumukha na munang tae ang lahat ng tao bago ako no? Lumapit pa ako kay Ivy at nanghahamon akong nakipagtitigan sa kaniya. "Make me stop then. I dare you. Come on Ivy baby. Mapapahiya ka sa mga kasamahan mong pulis kapag hindi mo pa ako pinatigil." nang-iinis na bulong ko sa tenga n'ya. I even lick her earlobe dahilan para mangilabot ito at sasampalin pa n'ya sana ako nang mabilis kong nahuli ang kamay n'ya at mabilis ko rin nasakop ang mga labi n'ya. Hmm. Gosh. I think I felt the heaven in her lips. "Hmp!" Rinig ko pang pagpoprotesta n'ya but I keep a firm hand in her waist while I pulled her nape even more to deepened the kiss. Dinig na dinig ko ang mga tukso ng mga kasamahan niyang pulis at nagwawala na sila ngayon sa ingay nila. Halatang nagustuhan din nila ang little show namin. And I know Ivy is going to kill me if I didn't stop now so, before she even pull her gun to her holster, kumaripas na kaagad ako ng takbo palabas ng police station, but I stopped midway to look at my baby with a playful grin then screamed, "Your lips taste like heaven, sayang. Huliin mo na lang ako sa susunod! Papahuli naman ako." Natatawa akong pumasok muli sa kotse ko at may malaking ngiting naglalaro sa mga labi ko nang tatangkain pa sana akong habulin ni Ivy kasama si Geoff na kakarating pa lang sa police station pero mabilis ko nang pinasibad paalis ang kotse ko. Arabella with 3 points. And Ivy? Bokya pa rin!  I let out a chuckle sa kaisipang iyon. Gosh, she's so fun to play with. I'm sure she's even more fun in bed than I expect her to be. We'll see about that. The invitation will come tomorrow at her doorstep. And I know iyon pa lang ang umpisa ng laro namin. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD