"In the garden of my mind
I could be your private island."
- Alina Baraz & Galimatias, Fantasy.
Gateway to Paradise.
***
Ivy Vargaz.
"Bakla, may naghahanap sa 'yo sa labas. Postman daw." rinig kong sambit ni Geoff sa labas ng pinto ng silid ko.
Magka-share kasi kami ni Geoff ng tinitirhan which always and forever naman since we became police. Kung nasaan ako, nanduon din siya. Kung saan ako nakatira, dapat duon din siya nakatira. Best friend code namin ang bakla magmula nang mag-come out si Geoff sa akin as gay. Kaya wala talaga kaming ilangan ni Geoff dahil pareho naman kaming babae, by heart.
"Sige, lalabas na ako. Nagbibihis lang ako saglit." Sigaw ko habang nagmamadaling itaas ang uniporme kong pantalon. Kakatapos ko lang kasing maligo, at heto ako ngayon sa silid ko at nagbibihis, ready to go to work.
Rinig ko ang paalis na yabag ni Geoff. I bet, magluluto na ito ng agahan namin.
Magmula pa dati, siya na ang tagaluto sa aming dalawa. Princesa ako kay Geoff eh. Kaya hindi ko rin masisisi ang ibang taong inaakalang magkasintahan kami. But nah, like I said, Geoff is like a brother to me than a best friend.
Namiss ko tuloy ang mga gunggong kong mga kapatid sa Laguna. I'll take a mental check on giving them a call later when I get home from work. Namimiss ko na talaga sila. Lalong-lalo na ang masarap na luto ni Mama Bear.
Mama Bear ang tawag naming magkakapatid kay Mama, habang Papa Bear naman kay Papa. At ako? Since I'm the last one and the only daughter, ang tawag sa akin ng limang prinsipe kong mga kapatid ay Baby Bear. Pero ang tawag sa akin nila Papa at Mama ay Princess Bear.
Kahit pamilya militar kami at estrikto ang mga kapatid at mga magulang namin lalo na sa akin, nagtuturingan pa rin kami na parang magbabarkada lang, though hindi pa rin naman namin nakakalimutang rumespeto sa mga magulang namin.
Thinking about them right now gives a huge smile on my lips. Gosh, I missed them so much.
Nakakamiss ang bonding naming magkakapatid. I missed fishing and hunting with them.
Since malapit ang bahay namin sa kagubatan, may tradition na kaming magkakapatid na mag-hunting sa kagubatan at mag-fishing sa dagat kapag nabubuo kami pagkatapos naming makauwi galing sa iba't ibang lugar kung saan kami nakadestino as a soldier.
Sa aming magkakapatid, ako lang ang nalihis ang propesyon. Lahat ng lima kong barakong kapatid ay nasa militar, habang ako ay ang nag-iisang police.
I have a reason why I chose to be a police officer than to be an army officer. At naiintindihan naman iyon ni Papa at suportadong-suportado n'ya ako.
Pagkatapos kong makapagbihis, nagmamadali akong lumalabas ng two storey house na nirerentahan namin ni Geoff at sumalubong kaagad sa akin ang nakangiting postman na nakasuot ng pulang sumbrero at pula rin na uniporme pero ang pinagtataka ko lang ay bakit foreigner ang postman? Blue kasi ang mga mata n'ya at parang modelo itong lumabas sa isang magazine.
"Good morning. You're Ivy Vargaz, right?"
I mirrored his smile as I opened the gate for him.
"Yes," naguguluhang sambit ko despite the smile on my lips.
"Right. Here's a package for you, Miss Vargaz."
May inabot siya sa aking naka-plastic pang mahabang envelope. Kunot noo ko naman iyon tinanggap.
Para saan naman ito? At ang bango ng mail ha? Amoy na amoy ko ang lavender sa plastic pa lang.
"Please sign here," turo n'ya sa isang corner ng hawak niyang chart kung saan dapat ako pipirma.
Kinuha ko naman ang in-offer niyang ballpen at hindi ko mapigilang mapahanga ng pati ballpen ay napaka sophisticated din. Halatang mamahalin.
Matapos kong pumirma roon, umalis na rin ang foreigner na postman at hindi ko mapigilang mapakurap-kurap sa bilis ng pangyayari.
'Yon na 'yon? Hindi man lang s'ya nag-explain kung para saan itong mail na ito?
Napakamot na lang ako sa kilay ko saka pinagmasdan ang hawak kong envelope.
"Bakla! Pumasok ka na, kakain na. Luto na ang agahan." Sigaw ni Geoff mula sa kusina.
"Oo, heto na!" Sigaw ko pabalik saka tumakbo papasok sa bahay.
"Oh, ano 'yang hawak mo?" Kunot noong turo ni Geoff sa hawak ko gamit ang hawak nitong sandok.
Napatingin ako sa hawak ko. "Mail daw eh. Hindi ko naman alam kung para saan. Wala namang sinabi 'yong guwapong postman," Napatawa ako, "akalain mo, foreigner 'yong postman?"
Natawa rin si Geoff. "Iyon nga rin ang pinagtataka ko eh. Pero bakit hindi mo buksan para malaman mo kung ano 'yan? Malay mo baka bomba 'di ba?"
Nagkibit balikat ako. "Mamaya na. Kain na muna tayo. I'm starving." saad ko saka na umupo sa dining table na kasya ang apat na katao.
Nagkibit balikat din si Geoff sa umupo sa harapan ko at sabay na kaming kumain ng agahan.
"Ano nang balita sa peste? Himala ata at hindi ka n'ya ginugulo ngayon? It's been what? Two days since she kissed you in the precinct?" Geoff let out a booming laugh nang makitang sumama ang mukha ko.
Buwisit na baklang 'to. Ipaalala raw ba ang ginawang pagpapahiya sa akin ng pesteng Arabella Martinelli na 'yon? Na-called out kaya ako sa chief of police namin nang mismong araw na 'yon. Napagalitan pa ako. Peste talaga ang babaeng 'yon.
Pero hindi ko mapigilang mag-alala. Two days nang hindi nagpapakita ang pesteng 'yon. Not that I'm worried about her. Ang inaalala ko ay iyong invitation na ipinangako ko sa superior ko sa CIDG. I only have 5 days left sa one week na binigay niyang palugit sa akin.
"Uy, nag-aalala siya sa peste n'ya." Tukso pa ni Geoff habang punong-puno pa ng pagkain ang bibig n'ya.
Pinaikutan ko ito ng mata. "Puwede huwag kang magsalita kung may lamang pagkain pa ang bibig mo? Napaka bastos mo talaga," umismid ako saka ngumisi sa kaniya, "baka gusto mong sabihin ko sa kapatid niya na type mo siya? Nakita kaya kita kung paano ka makatingin sa kapatid ni peste."
Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ko nang masinok si Geoff. Halos kalampagin na n'ya ang lamesa in search of the water na kaagad kong inilayo sa kaniya.
"Oh ano, mang-iinis ka pa ba?"
Mabilis na umiling-iling si Geoff habang nakahawak ito sa leeg n'ya. Naawa naman ako kaya binigay ko na ang tubig sa kaniya. At tawang-tawa ako nang halos lunukin na ni Geoff pati pitchel.
******
Buong araw akong naghintay sa pagpapakita ni Arabella sa presinto, pero sumapit na ang alas kuwatro ng hapon, wala pa ring pesteng blue eyed beast ang sumira sa araw ko.
Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?
"Sergeant, hindi na ata bumibisita si Supercar Blondie?" tanong ng isang kasamahan naming pulis nang mapadaan ito sa table ko.
Nakaupo pa rin kasi ako sa harapan ng table ko at may binabasang file case pero halos lahat ng mga kasamahan ko ay pauwi na. Ako na lang ang naiiwan dito at si Geoff.
Umangat ang tingin ko kay PO1 Cordova. Isa ito sa mga timawang pulis na sinusulsulan ni Arabella ng pagkain kapag nandito siya sa police station at pinepeste ako.
Supercar Blondie ang alyas ni Arabella dito sa police station dahil sa iba-iba ang dinadala nitong sports car kapag bumibisita s'ya. Saka kahawig n'ya raw kasi iyong supercar blondie na youtuber sabi ng mga kasamahan kong timawang pulis.
"Bakit? Na-miss mo na ba ang mga pagkaing binibigay n'ya?" walang ganang tanong ko.
Ngumiti siya ng napakalaki. "Oo eh. Ang sasarap kaya ng mga pagkaing binibigay n'ya. Ikaw naman kasi Sergeant, tinataboy mo pa, eh napaka swerte mo na nga. May isang sikat na billionaire s***h famous singer na nanliligaw sa 'yo. Sige ka, baka maunahan ka pa ng ibang babae diyan."
Pinaningkitan ko s'ya ng mata. "Umalis ka na nga sa harapan ko bago pa umasim ang sikmura ko sa 'yo." sabi ko sabay turo sa nakabukas na pinto ng police station.
Pero imbes na mainis ito, mas lalo pa itong tumawa at nagpaalam kay Geoff na uuwi na. Nagpaalam din siya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin.
Timawang lalaki. Pambihira. Kaya lumalako ang mga tiyan eh.
"Hindi ka pa ba uuwi, Master?" tanong ni Geoff.
Tinignan ko ito at kasalukuyan niyang inaayos ang bag n'ya sa table nito.
Master ang tawag ni Geoff sa akin kapag nasa trabaho kami.
SPO1 is for PNP Ranks, habang ang Police Master Sergeant naman ay sa AFP Ranks. And since, we're SAF officers, ang ginagamit naming ranks ay sa AFP Ranks. Kaya kapag tatawagin ako sa title ko ng mga kasamahan kong pulis, kundi Sergeant, Master naman ang tawag ng mga ito sa akin. SPO1 naman ang gamit ng mga superior ko.
"May tinatapos pa akong report eh. Mauna ka na," sagot ko kay Geoff.
"Sigurado ka?" rinig ko ang pag-aalala sa boses nito.
I just rolled my eyes at him. "Yes, Geoff. Sigurado ako. Alam mo naman na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko 'di ba?"
"Oo naman. Talo mo pa nga ako sa one on one combat eh. Pero iba pa rin naman kapag may kasama kang uuwi. Mahirap na, baka ma-kidnap ka na naman. Inihabilin ka pa naman ni Tita at Tito sa akin. Baka gulpihin ako ng Papa mo kapag may nangyaring masama sa 'yo." mahabang lintaya nito.
Umakto akong humihikab na inikutan lang ng mata ni Geoff. Alam n'ya kasing ayaw na ayaw kong sinasabihan ng gano'n na parang kailangan ko palagi ng tagabantay. I mean, I understand their concern naman pero hindi naman kasi ako mapupunta sa posisyon ko ngayon kung hindi ko kayang ipagtanggol at iligtas ang sarili ko. Kaya nga ako nag-police dahil ayaw ko nang mangyari pa ang nangyari sa akin dati.
Wala nang nagawa si Geoff kundi ang itaas ang dalawang kamay n'ya sa ere na parang sumusuko. "Fine. Hindi na kita kukulitin. Basta mag-iingat ka palagi ha? Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo nang tulong. I'll be there in a heartbeat."
I gave Geoff a tight lip smile. Hindi ko naman mapigilang ma-touch. Ang sweet talaga ng baklang 'to sa akin.
"Thank you, Geoff."
Geoff mirrored my smile then came in front of me for a fist bump.
Ilang minuto bago makaalis si Geoff, nakatanggap naman ako ng isang tawag mula sa personal cellphone ko.
Nagtaka na ako kaagad. Wala sa pamilya ko ang tatawag sa akin sa ganitong oras dahil busy lahat sila sa trabaho, tatawag lang ang mga iyon kapag emergency. At pamilya ko at si Geoff lang ang nakakaalam ng personal cell number ko. Sino naman kaya itong tumatawag?
Sinipat ko ang screen ng iPhone ko at tumaas ng bongga ang dalawang kilay ko nang makitang napakaraming number naman nitong naka-flash sa screen ng cellphone ko.
International number? Sino naman ang tatawag sa akin sa ibang bansa? Eh wala naman kaming kamag-anak sa ibang bansa?
Gustuhin ko man sanang huwag sagutin pero may nag-udyok sa akin na sagutin ito kaya sinagot ko na.
"Who is this?" pambungad ko.
I heard a melodious chuckle on the other line, "Ivy baby. Miss me?"
Ewan ko pero napalunok ako nang marinig muli ang boses ni Arabella. Pero mabilis kong ipinilig ang ulo ko at ewan ko kung bakit ako naiinis ngayon sa kaniya. Totoong inis na ito ha? At hindi acting lang.
Ang kapal ng mukha niyang tawagan ako matapos siyang hindi magparamdam sa akin sa loob ng dalawang araw?
"At paano mo nalaman ang personal number ko?" taas kilay kong tanong. I bet she knew that I'm raising my eyebrow at her right now.
"Awe, na-miss mo nga ako. I missed you too, baby. But anyway, I called to inform you that I sent you an invitation. Hindi mo pa ba natatanggap?"
Biglang kumabog ang dibdib ko. s**t.
Mabilis na hinugot ko iyong mail na natanggap ko kanina na isinilid ko sa work bag ko. Heto na ba 'yon? As in the invitation that I've been waiting for?
"Huh? Anong invitation naman?"
"The invitation in the island where I first met you, remember? Muntikan mo na akong sagasaan ng jet ski. Don't try to deny it, Ivy baby, alam na alam ko ang outline ng maganda mong mukha. Pinakatitigan ko 'yan before you leave me without saying your name." I can feel her infamous smirk right now. I know she's smirking.
Gosh. Bakit nag-iinit ang mukha ko?
"Oh, eh ano naman ngayon kung nagkita tayo sa b**m Island? Bakit mo ako pinadalhan ng invitation? I don't even need it." Lie. I need it very much. Nagmamaang-maangan lang ako. It's a part of the play.
"Oh, really? And why is that?" hamong tanong pa nito.
Nagtingin-tingin ako sa paligid ko. We can't talk about this in the phone. Baka may makarinig. I can't put my classified assignment in jeopardy with a phone call.
Umakto akong parang nahuli sa akto, napabuga ako ng malalim na hininga. "Fine, pero puwede bang pag-usapan natin ng personal at huwag sa phone lang?" bulong ko habang hindi mapakali dito.
Kahit ako na lang ang natitirang pulis sa team ko, meron pa rin namang mga taong paroon at parito dito sa presinto.
"Oh, you really miss me that much huh? Two days din tayong 'di nagkikita. Hindi kita masisisi diyan. Where do you want me to meet you?"
Nagkasunduan kaming magkita sa Anemone Club nito at sinisigurado naman niyang private ang pag-uusap naming iyon.
Kaya naman pinack-up ko na ang mga gamit ko, sa bahay ko na lang itutuloy ang naudlot kong paperwork. And after 25 minutes of driving, nakarating din ako sa club nito at iginaya ako ng isang bouncer sa isang nakasarang pinto sa loob ng club. I think, dito ang office ni peste. At hindi nga ako nagkakamali dahil nang pihitin pabukas ng bouncer ang pinto, nahagip kaagad ng mga mata ko ang pamilyar na blonde hair ni peste.
Nang maisara na ng bouncer ang pinto, lahat ng ingay sa labas ng office ni peste ay biglang nawala.
Right. Soundproof room. Private nga.
"Take a seat, sayang."
I almost roll my eyes to that lame endearment again.
Tahimik na lang akong umupo sa side table chair n'ya. At in fairness sa office n'ya ha? Ang ganda. Chick na chick ang dating. Ang ganda rin ng combination ng pink and yellow na interior.
"So, what do you want to discuss?" she asked as she lit a cigarette.
Pero bago pa n'ya iyon hithitan, mabilis ko nang inagaw ang sigarilyo sa pagitan ng mahahaba niyang daliri at inupos kaagad ito sa ashtray.
She was taken aback by my sudden action. "Why?"
"That's bad for your health and I don't want to die early nang dahil lang sa second hand smoke na galing sa 'yo."
"Oh," her mouth formed an 'O' shape.
"Right. Sorry." itinago na n'ya ang isang pack ng cigarette at lighter nito sa drawer n'ya saka s'ya nakangiting bumaling muli sa akin.
"So? The cigarette is gone. Anong gusto mong pag-usapan natin na hindi natin puwedeng pag-usapan sa phone?"
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Hindi ko matatanggap ang invitation mo," panimula ko. But I cross my fingers under the table dahil baka bawiin n'ya ang invitation na nasa bag ko.
She raised one perfectly shave eyebrow. "And why is that? Ayaw mo ba na libre na ang stay mo sa Island? Ivy, hindi basta-basta nakakapasok sa b**m Island and I know you know that,"
Oh I knew that very well.
"Yeah, I know but what's the catch? I mean, why me?"
"Why not you?" she asked with those intense blue eyes that can melt anyone's heart. But not mine.
Nang makita niyang napakurap-kurap ako, nagtaas kaagad ito ng dalawang kamay sa ere na parang sumusuko. "Okay, fine. I'll cut to the chase. I sent you the invitation in two reason; first, I like you, I think that's obvious enough. Hindi naman kita hahabulin kung hindi. Secondly, I want to help you,"
Curiosity made my forehead creased. "Help me with what exactly?"
Kita ko kung paano mag-spread ang nakakainis na ngisi nito sa labi. Oh god. That intoxicating smirk again.
"You see, Ivy baby. I can't help but to noticed your lack of desire when I was kissing you. I mean, hindi naman sa pagmamayabang pero kapag humahalik ako ng babae, in just a simple kiss, napapaungol ko kaagad sila and I never failed to satisfy one woman's desire. I tell you, never." she said with a shook of her index finger.
Hindi ko naman mapigilang kabahan. For the first time after I met this brute, nawalan ako ng isasagot sa kaniya.
She's really smart. I'll give her that. Paano niya mapapansin iyon sa tatlong beses lang naming nagkahalikan? To think na sobrang careful ako sa mga acting na ginagawa ko.
Fuck. I suddenly felt exposed.
"But with you? There's no desire at all. None. Nada. But I understand your act toward your ex-boyfriend, I understand your need to fake things in front of him. You can fool him but I'm sorry to tell you but you cannot fool me. So, I bet you're asexual, am I right?"
Hindi ako nakasagot. And she took my silence as a yes then nod her head.
"And you were on the island to feel something?" she asked like she's confirming it.
I snapped my head at her, meeting those intense glassy blue eyes of hers.
Shit, akala ko naman huling-huli na n'ya ako. Mabuti naman pala at ang pagiging asexual ko lang ang nalaman n'ya patungkol sa akin.
I think I really need to be careful with her. Clearly, I underestimate this vixen in front of me.
"Yes." sagot ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko na kinakaya ang mga titig n'ya. I suddenly felt uncomfortable. Powerless.
"Right. But do not worry no more because I'm here to help you. May naging experience na ako dati sa mga asexual women at natulungan ko ang isa sa kanila. And now, I am offering you my help which I hope you'll accept. So, what do you say? Yes or yes?" she relentlessly said while grinning.
Hmm not bad. Now, I know kung bakit siya naging isang successful businesswoman. She has the talent. I'll give her that.
"Okay. I don't know if you can make that work but let's just say na pumapayag ako. But what's the catch?"
Her infamous smirk never falters. Never once and all I want to do is to wipe that infuriating smirk off her lips.
"The catch? I get to sleep with you and you get to feel the s****l desire that I'm sure you longed for. And don't forget that you are my guest, which means, lahat ng gastos mo sa island ay sagot ko lahat. And don't worry, we'll discuss everything in our contract."
Napaismid ako. Yeah, those contract. I made a research about her and her friends, you know? Lahat ng konektado kay Arabella ay inimbestigahan ko. And I found out that they're all into b**m and those filthy rich billionaires doesn't have any decency to private their desire for b**m. Lahat sila out and proud about their desire for b**m. And I also found out that they're very much into contracts, na akala mo ay nabibili lahat nila ang mga tao sa mga pera nila.
Gosh.
"I don't need a contract," determinadong sambit ko. Ayoko atang maramdaman na binibili ako.
But Arabella's smirk only grew wider. "I figured you will say that. Knowing you? You're hard headed. But don't worry, Ivy baby, I have a better contract agreement na alam kong magugustuhan mo. So, are you in or out?" maarteng saad nito with her sossy italian accent.
This time, I dared to stare right through those intense glassy blue eyes of hers. I bit my lower lip as I'm studying the expression in her face.
She's looking at me with those challenging blue eyes and I can't help but to feel like I'm under her spell.
Tahimik na inilahad ko ang kamay ko sa kanya and she only smirk as she reach for my hand for a formal handshake.
"I'm all the way in." sagot ko, mirroring her smirk.
******