TUMAKAS ako sa kasiyahan na nangyayari sa ibaba at agad akong tumakbo paakyat sa second floor. Pumasok ako sa room namin at ni-lock iyon. Baka sundan ako ni Mister Kenta agad. Dire-diretso akong lumakad papasok sa walk-in closet at sinuot ang aking pang-roleplay outfit. Nabili ko ito sa online shop akala ko nga ay hindi aabot. Nilabas ko na sa pinagtataguan ko ang costume kong policewoman. Kulay itim ito at sobrang daring tignan, isang maikling dress ito at ang panloob ko lamang dito ay isang thong na kulay itim. Ibigsabihin ay wala akong bra na susuotin. Inayos ko na ang aking sarili at sinuot ko na iyon. Nilabas ko na rin ang props kong posas na kasama at isang batuta. Kaya paniguradong mag-iinit kami ni Mister Kenta ngayong gabi. Nang makaayos na ako ay lumabas na rin ako. Kinuha