KINABUKASAN, pinili kong hindi pumasok ngayon at nagpanggap na may sakit ako para may dahilan akong pumunta ng clinic at magpa-checkup. Bakit ko pa sasabihin sa kanya ang tungkol sa pinagbubuntis ko kung ginagago na niya ako patalikod, ʼdi ba? At saka, ngayon ko lang ulit naalala na contract wife pa rin pala ako. “Miss Anna, hindi niyo po ba sasabihin kay Master Kenta na pupunta po kayong clinic today? Para po masamahan po niya kayo?” Narinig ko ang sinabi ni Janice sa akin. Napintig ang tenga ko dahil doon. “Huh? Bakit? Para saan? Ganoong importante sa kanya ang new business nila, ʼdi ba?” walang emosyon kong sabi sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. “Pero po, kung sasabihin niyo po sa kanya ay baka samahan po niya kayo na magpa-checkup, Miss Anna,” sabi niya sa akin. Tini