NANG makarating ako sa 9th floor ay ngumiti ako habang binabati ang mga empleyadong nakakasalubong ko sa hallway. “Good morning, Anna! Sabay ulit tayong mag-lunch today? Oo nga pala, absent ka kahapon! Nagkasakit ka ba?” pagtatanong ni Miss Dimples sa akin. Napakamot ako sa aking buhok. “Nagpa-checkup po ako kahapon, Miss Dimples— I mean, Dimples! Masama po kasi ang pakiramdam ko pero fatigue lang po ang nakita ng Doctor sa akin,” sabi ko sa kanya. “Sure po, sabay po tayong mag-lunch later!” dagdag na sabi ko sa kanya. “Mabuti naman kung ganoʼn! Wala ba ulit si Mr. Caddel ngayon? Kahapon kasi ay pareho kayong wala,” saad niya sa akin. “Sinamahan ka ba niyang magpa-checkup?” Nakita ko ang ngiti sa mga mata niya. Napangiwi ako sa tanong niya. “Um, nandʼyan po si Mr. Caddel, Dimples! Pe