HINDI ko alam kung anong nakain niya ngayon pero siya ang naghatid sa akin sa company today. “Ako ang magsusundo sa iyo later, Peanut! Wait for me, okay? Need lang ako sa construction firm ngayon!” sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya at lumabas na sa kotse niya. Hindi ako nagsalita sa kanya at dumiretso papasok sa company. Ngayon ang plano kong umalis at magpakalayo-layo sa mga Caddel at Santibanez. Ako na ang lalayo para sa kasiyahan nilang dalawa. Ilang araw ko rin itong pinag-isipan. Kaya desidido na ako. Hindi rin magiging mabuti ang lagay ko kung mag-i-stay ako sa tabi niya. Dahil habang nasa tabi niya ako ay patuloy akong ma-i-stress dahil sa kanila ni Miss Santibanez lalo na kung ʼdi niya sasabihin sa akin kung anong mayroʼn sa kanilang dalawa. Nakarating ako sa office ta