LUMABAS ako sa hotel room na tinutuluyan ko rito sa Cebu City. Balak kong lumipat sa apartment para makatipid ako sa gastos habang hindi pa ako nakakahanap ng work dito. Kailangan ko ring magtipid dahil nauubos na ang ipon kong pera. Hindi ko naman pʼwedeng galawin ang card ko at baka matunton ako. Nakasuot ako ngayon ng semi-formal attire para makapagpasa rin ako on-site ng resume ko. Nag-apply na rin naman ako thru online pero ni-isa ay wala pang nag-e-email sa akin pabalik. Kaya magta-try ako ngayon na magpasa sa mga company kung may hiring man akong makita. Una kong pinuntahan ay ang company building na malapit sa tinutuluyan kong hotel. Hiring daw rito ngayon ayon kay Charlene — staff dito sa hotel na tinutuluyan ko. Hiring daw ng admin staff and secretary para sa tagapagmana ng c