NAG-DAY off ako ngayon dahil ngayong araw ang check-up ko kay baby. Twenty-three weeks na ang tiyan ko. Kaya nararamdaman ko na rin ang pananakit ng aking likod at madalas na leg cramps. Mabuti na lamang ay nakakaya ko pa. Nakapila na ako ngayon dito sa publikong hospital. Ako lang pala ang mag-isang pumunta ngayon, minsan kasi ay may kasama ako at iyon ay si Leigh — ang kapatid ni Sir Luca. Nakilala ko lang siya noong pumunta ako sa hacienda ng mga Montecarlos, sa bahay nila mismo. Nakasalubong ko siya sa may kitchen then naging friends na kaming dalawa. Hindi ko aakalain na sobrang bait niya. Alam niyo na kapag mayayaman ay matapobre, ʼdi ba? Pero, Ang family ng mga Montecarlos ay walang bahid na pagiging matapobre. Kaya maging ang parents nila ay nakita ko na rin, akala nga nila ay g