"Aba, maganda ang gising mo ngayon, bro," ani Dark nang bisitahin siya nito sa kaniyang company building. "Tapos na ang Essence Skincare shop mo pero hanggang ngayon wala pa rin iyong laman? Kahapon pa ako kinukulit ni Anya." "Nagbago ako ng isip, Dark. Mas mabuti kung hindi na beauty products ang ibenta ko sa shop na iyon kun'di mga... shoe wear. Iibahin ko na lang ang shop ng Essence iyong malayo sa beauty shop ni Jeni." Nagkamot ng ulo si Dark. "Ano naman ang ibig mong sabihin?" "In other words, ayokong makipagkumpentensya kay Jeni. Gusto kong mapalapit sa kaniya kaya kung kakalabanin ko siya sa negosyo niya baka lalo lang siyang magalit sa akin. Products mo na lang ang ilagay natin sa bagong shop na ipinagawa ko sa iyo. Maganda kapag clothing ang laman niyon tapos perfumes then... s