"HINDI pa rin ba tumatawag ang kapatid mo Gina? Dalawang buwan na siyang hindi umuuwi dito sa bahay a. Ano kaya kung puntahan natin sa Dagupan?" tanong ni Aling Zoraida sa anak nitong si Gina. Nag-aalala na siya dahil hindi niya matawagan ang kaniyang anak. Hindi rin niya nakikita si Juvy para pagtanungan niya. Lumapit sa kaniya si Gina. Nasa kusina siya at nagluluto ng kanilang agahan. Anim na buwan nang buntis si Gina at tatlong buwan na lang ay manganganak na ito. "Nay, baka naman ho busy lang sa trabaho niya. O baka naman 'nay, natuloy na magpunta ng Taiwan?" Siguro tama si Gina. Hindi nga kaya nasa Taiwan ang kaniyang anak? "Hindi man lamang siya nagpaalam sa atin? Hindi ba niya naisip na mag-aalala tayo sa kaniya." "Nay, patawarin po ninyo ako pero bago umalis si Ate Jeni, nag-