"Iba ang aura mo ngayon, bro. Hulaan ko, sinagot ka na ulit ni Jeni?" masayang tanong ni Dark sa kaniya nang makita siya nito sa hacienda. "Alam ko na kasi ang gagawin ko to win her back, bro." "Kaya ka ba susunod sa kaniya sa Dagupan?" kumunot ang noo nito. "Exactly." Kinindatan niya ito. "Good luck kung ganoon, bro. Sana talaga magkabalikan na kayo ni Jeni. Sumasakit na kasi ang ulo ko sa relasyon ninyong dalawa, e Pakiramdam ko dumadami ang wrinkles ko." "Pumunta ka sa Essence Skincare shop ko para naman mawala ang mga wrinkles mo." "Pinagkaperahan mo pa ako?" Tumawa naman siya ng malakas. "Maiiwan na kita architect dahil pupuntahan ko si Jeni." "Sana lang hindi siya magalit kapag ikaw ang makita niya at hindi ako." "Gumawa na ako ng favor para kay Anya at kinausap ko na siyan