"Mary Nathalie Asunsion?" patanong na sabi ni Dark kay Luke habang nakatingin sa larawan ni Dave na nasa laptop ni Luke. "Kilala mo ba siya, bro?" kunot-noong tanong naman ni Luke sa kaniya. "May naalala lang ako tungkol kay Dave nabanggit kasi niya na ikakasal na siya kay Nathalie, hindi ko lang naiisip na iyong Mary at Nathalie, e, iisa. Pinsan iyan ni Anya at kababata rin ni Hatt." "Connected pa rin pala sa atin ang babaeng ito, bro. Kung ganoon pala taken na si Dave at hindi totoo ang sinabi ni Storm na manliligaw ni Jeni ang lalaking iyon." Isinara ni Luke ang kaniyang laptop. "Wala naman pa lang problema." "Tumawag ba si Storm sa iyo, bro?" tanong naman niya sa kaibigan na nag-uunat ng mga kamay. "Oo, ginambala niya ang pagtulog ko. Matutulog na lang ako ulit." Tumayo ito at sak