HABANG nag-iikot sa Tarlac ay may nakita si Jeni na poster mula sa tinigilan niyang kanto. Ibinaba niya ang bintana ng kaniyang sasakyan at sinimulan na hanapin sa website ng Luxy Subdivision. Malapit na iyon sa mismong puwesto niya sa bayan. Dalawampung minuto niya lamang ang biyahe mula roon. Malapit din ang Subdivision sa natatanaw niyang private school. Mag-aaral na si Xingxing kaya naman ngayon pa lamang ay sinisimulan niya ang paghahanap ng lilipatan nila. Pinindot niya ang de keypad niyang cellphone na naitago pa niya makalipas ang limang taon. Hindi siya nagpalit ng number dahil alam niyang tatawagan pa rin siya ni Juvy. Sumandal si Jeni sa upuan ng kaniyang kotse at hinintay na sagutin siya ng isang Real Estate Agent na makakausap niya. "Hello, Good morning. This is Luxy Subd