NASA labas ng bahay si Jeni at nagpapahangin kausap niya si Doc Lau na kaibigang matalik ng kaniyang namayapang asawa. "Yes, Doc Lau." "Jeni, naistorbo ba kita? Alam ko na kadarating mo lang sa inyo pero kailangan mo kasing malaman ang tungkol sa dati kong puwesto sa bayan." "Okay lang, doc. Gusto ko rin kayong nakausap tungkol doon. Apat na buwan na ring ang nakaraan noong huli tayong nagkausap tungkol sa property ninyo." "Okay lang iyon alam ko kasi na marami kang inaayos sa Taiwan. Anyway, tumawag lang talaga ako para sabihin sa iyo na inilipat ko na sa pangalan mo ang property ko. Nagkausap na kami ng attorney mo sa video call at nagkasundo sa unang presyo na pinag-usapan nating dalawa. "Doc Lau, masiyadong malaki ang property ninyo na iyon na dating clinic at pharmacy. Hindi nama