TINOTOO nga ni Lucio ang sinabi nito sa kaniya na isasama siya nito sa appointment nito kung nasaan ang idol niya. Nag-picture pa sila nito at sinulit niya ang pagiging fangirl niya. Maraming mga fans na katulad niya ang nagtungo sa mall kung saan mayroong nagaganap na commercial. Ang ang brand na iprino-promote ni Jerry ay ang sariling skin care ng kaniyang amo. Bilib na bilib na talaga siya kay Lucio. Sinuportahan nito ang pagiging fangirl niya. At hindi na siya nag-inarte pa kun'di sinulit na lamang niya ang pagkakataon. Napansin ni Jeni na namumutla na si Lucio kaya nilapitan niya ito. May nurse silang kasama at narinig niyang sinabi nito ba kailangan na nitong magpahinga. Inalalayan niya ang amo niya na makapasok sa van. Nag-uusap ng Mandarin ang nurse at si Lucio kaya hindi niya