Part 18

1720 Words
Baka Sakali AiTenshi Part 18 "Ang gwapo kaso ay lasinggero naman yata." ang bulong ni Perla "May pinag daraanan lang na problema yung tao. Malay mo sa subjects o sa personal na buhay niya." pag tatanggol ko naman habang nakatingin sa mukha ni Stephen. "Baka malusaw iyan. Kanina ka pa naka titig e. Parang ginagahasa mo yung mukha niya." ang pang aasar nito "Ang gwapo e, hano? Kaso parang ang lungkot ng buhay niya." ang salita ko "Hala! Masaya ang buhay niyan kasi gwapo siya. Maraming nag hahabol dyan. Ang malungkot ang buhay ay tayo kasama kana doon na palaging pinag lalaruan ng mga nakaka chat sa internet at lagi tayong nabibiktima ng maling tao," ang hirit niya. "Talagang dapat ay damay ako lagi?" tanong ko naman "Oo naman, involve ka sa mga ganyang bagay no. Saka ikaw Lino mag ingat ingat ka dahil uso ang HIV ngayon! At dapat aware ka na walang gamot doon!" "Ginawa mo naman akong p****k. Ang pag kakamali ko dati ay hindi ko na uulitin. Masyado lamang ako sabik noon sa atensyon at pag mamahal kaya mabilis akong bumigay. Iba na ko ngayon." pag tatanggol ko sa aking sarili "Makikita natin kung effective iyang bagong update version mo sa sarili mo. Oh siya aalis na ako. Balitaan mo nalang ako kung malaki ba o maliit ang tinatago niyang si Stephen!" pag papa alam ni Perla habang natatawa "Sira, puro ka kalokohan diyan eh." tugon ko at doon ay bigla akong napatingin sa bukol sa pantalon ni Stephen. Nakaumbok ito at mukhang may nais na kumawala. Napalunok nalang ako habang patuloy na nakatitig dito. Tapos maya maya ay napalingon ako sa aking gilid kung saan may imahe ng Diyos na naka pakat sa aming ding ding. "Ngii, Lord sorry. Hindi ko po gustong mag kasala." ang bulong ko habang naka lingon dito. "God is watching you.." ang bulong ni Stephen sabay hilik.. “Ngiii! Lasing ba talaga ito?" ang tanong ko sa aking sarili habang hindi maitago ang labis na pag kahiya. Hinayaan ko nalang siyang matulog sa aking higaan. Ako naman ay nag latag nalang ng karton at kumot sa sahig dahil pang isahan lang ang aking higaan. Habang naka higa ay hindi ako dalawin ng antok. Ewan ngunit tila ba nanaginip ako. Ang taong aking hinahangaan at tinatanaw mula sa malayo ay nandito ngayon sa aking silid. Nakahiga sa aking kama at halos abot kamay ko na siya. Gusto ko siya yakapin o nakawan ng halik ngunit natatakot ako na baka ikagalit niya ito. O baka malaman pa niya at hindi niya matanggap na inabuso ko ang kanyang kalasingan. "Ang lapit na namin sa isa't isa.. Pero parang napaka layo pa rin niya." ang bulong ko habang naka tingin sa kisame. Tahimik.. Ilang sandali rin akong nakatitig sa itaas bago ako nag pasyang bumangon. Dito ay humarap ako kay Stephen na noon ay natutulog at maigi kong tinitigan ang kanyang mukha. Gusto kong tandaang mabuti ang kanya itsura upang hindi na ito mawaglit pa sa aking isipan. Ang kanyang magandang mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Iyan ang gustong gusto ko sa kanyang anyo. Kung ako ang masusunod ay ayoko nang mag umaga pa. "Kung pwede ay dito ka nalang palagi, kahit mag hapon kong titigan ang iyong mukha ay hinding hindi ako mag sasawa." ang bulong ko at dito ay marahan kong dinampi ang aking palad sa kanyang pisngi. Napangiti nalang ako habang dinadama ang makinis niyang balat sa mukha. Pakiwari ko ay para akong isang deboto na humihimas sa isang santo. Nahahawakan ko siya ngunit pakiramdam ko ay ang layo namin sa isa't isa. Ang katulad ko ay imposibleng gustuhin niya. Isa siyang prinsipe at ako naman ay isang troll. Siya na nga mismo ang nag bansag sa akin noon. Habang nasa ganoong posisyon ako ay may tumugtog na musika mula sa silid ni Tita Pat. At rinig na rinig ito sa aking silid, naka ugalian na kasi niya makinig ng radyo habang natutulog kaya naman mas nakaramdam pa ako ng kakaibang emosyon. Ang musikang ito ay pinamagatang "Million Miles Away" na inawit ng singer na si Nikki Gil. Ang kanta ay tungkol sa isang taong labis na humahanga ngunit ang kanilang pagitan ay milya milya ang layo. Siya isang simpleng tao lamang samantalang ang kanyang hinahangaan ay isang sikat na bituin. Ngayon ay wala siyang magawa kundi ang tingnan na lamang niya ito sa malayo habang pinapangarap na sana ay mapalapit siya sa taong iyon. Ibinahagi rin niya sa musika kung gaano niya kamahal ang taong hinahangaan ngunit kailangan niyang tanggapin na marami silang humahanga dito at kahit anong gawin niya ay hindi hindi niya ito maabot. "People love you as you are, Your a million miles away from me," ito ang pinakamalungkot na parte ng musika. Tahimik. Ewan, pati ako ay nalungkot rin at pakiramdam ko ay bigla akong dinurog na hindi ko malaman. Si Stephen, ang taong aking hinahangaan ay milya milya rin ang layo sa akin. At dapat ko iyon tanggapin. Kinabukasan, alas 6 ng umaga noong ako ay magising. Iskedule ko sana ngayon sa palengke ngunit nag txt si Tita Pat na asikasuhin ko nalang ang aking bisita. Kaya naman agad ako nag tungo sa kusina upang mag luto ng pag kain. Nag prito ako ng daing na pusit, itlog, longganisa. Pag katapos ay nag fried rice rin ako yung hitik sa bawang para mas mabango. Habang nasa ganoong pag luluto ako ay napansin kong nakatayo na pala si Stephen sa aking likuran. "Gising kana pala. Nakita kita kagabi doon sa waiting shed, lasing na lasing. Hindi ko alam kung saan ka ihahatid kaya't dito muna kita dinala." ang bungad ko. "Alam ko, salamat sa pag aalala." ang wika niya sabay upo sa bangkuan sa harap ng lamesa "Kamusta pakiramdam mo?" ang tanong ko "Nahihilo pa ako ng kaunti. Saka nagugutom." ang nahihiya niyang tugon kaya naman agad ko siyang pinag timpla ng kape. Nanginginig pa ang aking kamay habang nag hahalo. "Maluluto na itong sinangag, chillax ka lang diyan." ang naka ngiti kong sagot "Salamat Lino." ang sagot niya Napatingin ako sa kanya "Aba kilala mo pala ako?" tanong ko na may halong tuwa "Oo naman. Isa ka sa pinaka matalinong mag aaral sa campus e, malamang kilala nga kita." "Nakakataba naman ng puso na kilala mo ako. Pero mas sanay yata ako na tinatawag mong troll." Natawa rin siya. "Sorry kung binansagan kitang ganoon. Paborito ko lang talaga ang trolls na movie." "Ayos lang, cute naman sila eh." biro ko sabay lagay ng pag kain sa lamesa. "Ubusin natin ito ha." "Wow, sarap niyan." wika niya at agad itong nag hugas ng kamay. Umupo siya at itinaas pa ang isang paa. Kumuha ng maraming kanin at ulam saka ito sinunggaban. Mabilis siyang kumain at magulo ang mumo sa plato. Barakong barako kung tutuusin. "Sarap mo mag luto ah. Kung ikaw ang palaging mag hahanda ng almusal ko ay tataba ako ng husto." "Salamat at nagustuhan mo." naka ngiti kong sagot. "Bakit ayaw mo ng kamatis? Masarap na sawsawan iyon oh!" ang wika niya noong naka kita ng kamatis sa gilid ng kusina. "Hindi lang ako mahilig." tugon ko Tumayo siya at kinuha ito. Piniga sa kanyang plato at binudburan ng asin. Kumuha siya ng daing na pusit at kanin, nilagyan niya ito kamatis. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya.. Ngumiti ito at itinapat sa aking bibig ang kanyang kamay na may kanin at kamatis. "Subukan mo. Masarap to." ang wika niya "Hala, nahihiya ako." tugon ko "Huwag kana mahiya, at huwag mo naman ako ipahiya. Sige na.. Subukan mo." pamimilit niya Wala naman akong nagawa kundi ang kainin ang kanyang ibinibigay. Ninamnam ko ang kanyang isinubo sa akin bagamat hindi naman talaga ako kumakain ng kamatis. Siguro simula ngayon ay magiging paborito ko na ito. Noong mga sandaling iyon, hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako? O totoong nangyayari ang lahat ng ito? Ngunit sa tuwing sumusulyap ako kay Stephen ay sumasagi sa aking isipan na sana ay huwag nang matapos ang mga sandaling ito. Mga sandaling kasama ko siya at mga sandaling ako ay masaya. "'Maraming salamat sa pag tulong sa akin kagabi. Mabuti nalang at ikaw ang naka kita sa akin." ang wika niya "Eh bakit ba kasi nag lalasing ka? Dalawang beses na kita nakikitang lupaypay." "Eh nasosobrahan lang ako sa pag inom, at dala na rin siguro ng ilang personal na problema." "Naku, kung personal nga iyan ay wala naman akong karapatang mang himasok. Pero nais kong malaman mo na hindi naman masosolve ng alak o pag papakalasing ang problema. Dalawang bagay lang naman ang maaari mong gawin kung sakaling may pinag daraanan ka. Una ay hanapan mo ito ng solusyon at ikalawa ay pabayaan mo na lamang lumipas. Kahit anong klaseng pag subok at natatapos rin, katulad ng isang malakas na unos. Pasasaan pa at lalabas rin ang haring araw sa kalangitan dala ang bagong pag asa." naka ngiti kong paliwanag. "Wow, lodi ka pala sa advice. Tama ka dun bro. Lilipas rin ito." naka ngiti rin niyang sagot sabay tapik sa aking balikat. "Nga pala doon ako naka tira sa kabilang subdivision sorry kung doon lang kita dinala sa bukid noong gumawa tayo ng report. Kung sakaling malasing ako ulit ay doon mo nalang ako ibagsak sa guard house. Pero kung gusto mo ay pwede rin dito sa bahay ninyo at ipag luto mo ulit ako ng masarap na almusal. Yun pala yung feeling na gigising ka tapos may pag kain nang naka hain para sa iyo. Nakaka spoiled." naka ngisi niyang sagot "Pa fall ka rin eh." bulong ko naman "Ano yun? May sinabi ka ba?" "Wala po. Ang sabi ko ay huwag kana mag papa kalasing ulit. At kapag nalasing ka ulit ay doon kita sa bukid dadalhin," "Di ko maipapangako iyan." tugon niya sabay tawa. Natawa rin ako. Alas 10 ng umaga noong umalis ng bahay si Stephen. Maayos na raw ang kanyang pakiramdam bagamat may hang over pa ito. Isa matamis na ngiti at pasasalamat ang kanyang iniwan sa akin bago sumakay sa taxi. Habang pinag mamasdan ko siyang umalis ay sumasagi sa aking isipan kung "imbisibol" pa rin ba ako katulad sa novelang nabasa ko. O baka naman ito na simula ng bagong tuwa at ligaya sa aking buhay. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD