Part 19

2327 Words
Baka Sakali AiTenshi Part 19 "Ano malaki ba? Mushroom head ba? Hmmm, para bang saging naka curve kapag sobrang tigas? Ano ba Lino mag kwento kana," ang wika ni Perla habang kumakain kami sa tapat ng cathedral. "Wala namang nangyari sa amin, hindi ko rin nakita at hindi rin ako nag take advantage. Sumpa man sa santo ng Cathedral na ito!" ang sagot ko naman. "Nakapahina mo naman Lino, dapat nonood ka ng mga video sa social media kung paano nila hipuan at harvatin yung mga bagets natutulog. Anyway feeling ko eto na talaga ang pinakaboring na bakasyon sa lahat. 5 days palang na walang pasok, pakiramdam ko almost one year na ito,'' ang wika ni Perla na nag iinat pa. "Wag ka nga masyadong mag inat nakikita yung buhok mo sa kili kili," ang wika ko naman. "Oo nga pala nakalimutan kong mag shave kaninang umaga. Thank you for reminding me na di dapat ako magtaas ng armpit," ang maarte wika nito. “Alam mo mura lang naman yung pag papawax doon sa bayan. Kaysa naman ahit ka ng ahit umiitim lang iyang kili kili mo,” ang wika ko naman. “Pero mas gusto ko pa rin yung kilig kapag chani ang gamit ko sa kili kili ko,” ang tugon nito dahilan para matawa ako. Dahil makulimlim at malamig naman ang panahon ay naglakad nalang kami ni Perla papunta sa parke. Habang nasa ganoong paglalakad kami ay biglang may tumawag na pangalan kay Perla kaya naman napahinto kami sa paglalakad. “Perla, pinsan!” ang sigaw pa nito hindi namin alam kung saang direksyon nag mumula. “Teka Perla, lumilindol ba? Parang medyo nag sshake yung lupa,” ang wika ko habang nakahawak sa kanyang braso. “Ano ka ba Lino, walang Lindo, ayun yung pinsan ko si Silka, naalala mo ba siya? Noong nakaraang vacation niya dito sa Baguio ay sobrang lakas ng tama niya sa iyo,” ang wika ni Perla habang natatawa. Naalala ko na.. Si Silka yung pinsan ni Perla na nagbakasyon dito last year. Siya yung bukod tanging babaeng nagkagusto sa akin, na kahit saan ako magpunta ay nakalingkis niya. Naalala ko nga last year gusto niya akong isama pabalik sa Cabanatuan at supportive naman yung daddy niya. Medyo chubby lang noon si Silka, pero ngayong makita ko siya ay “Bakit parang naging si Godzilla na iyang pinsan mo? Lumaki yata sya ng todo?” ang tanong ko kay Perla habang nakita naming tumatakbo si Silka patungo sa amin. “Perla, pinsan!” ang masayang wika nito at noong mapatingin sa akin ay parang lalo siyang nanabik at natuwa. “Silka, kumusta kana? Akala ko ay hindi matutuloy ang vacation mo,” ang wika ni Perla. “Actually two days lang kami dito sa Baguio then baba kami para magtungo sa Pangasinan doon kasi mag cecelebrate ng birthday si Daddy, pero babalik naman ako after two weeks dito,” sagot ni Silka sabay harap sa akin, “Hi Lino, you look more handsome. Namiss kita,” ang wika nito na kinikilig saka lumapit sa akin. “Hi Silka, gumanda ka yata at kuminis, saka medyo lumaki ka yata ng kaunti,” ang bati ko naman dahilan para kiligin ito ng husto at tapikin ako, medyo napalakas ito kaya natumba ako sa lupa, “Arekup,” ang reklamo ko. “Ay! Sorry Lino, ikaw naman kasi napakasweet mo. Kaya sobrang na miss kita, dati pa rin naman ako, single at nag hihintay na mahalin mo,” ang malanding wika nito. Si Silka ay literal na malaki. Para siya isang t-rex o mammoth na noong ice age. At hindi ko alam kung anong nakita niya sa akin at bakit ako pa. “Nga pala, anong plano mo dito bukas? Gusto mo mag libot tayo sa teachers camp at mag ghost hunting, diba mahilig ka sa mga ganoong bagay pinsan?” tanong ni Perla sa kanyang pinsan. “Yeah, mahilig naman din kaso gusto kong makadate si Lino, kung papayag siya, saka pumayag naman na si Daddy. Ang sabi rin niya ay payag daw siyang maging boyfriend ko si Lino at kunin niya yung virginity ko,” ang kinikilig na wika nito dahilan para mapangiwi ako at mapatingin kay Perla. “O Lino narinig mo ba iyon? Gusto ka daw makadate ng pinsan ko. May gagawin ka ba bukas?”tanong ni Perla “Depende, alam mo naman na busy ako doon sa pwesto,” ang sagot ko dahilan para malungkot si Silka, “Ano ka ba naman Lino, minsan lang ako magpunta dito ay tatanggihan mo pa ako, it really hurts ang magmahal ng ganito,” ang wika nito at kumembot kembot pa dahilan para medyo umuga ang kinatatayuan namin. Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya naman pagdating ni Stephen, nag jojogging ito sa parke at pawis na pawis. Parang hindi na hang over kagabi. “Kayo pala, kumusta?” bati nito. “Ikaw ang kumusta papa Stephen bakit nag lalasing ka ng todo? Paano kapag napagtripan ka ng mga adik doon sa kanto?” ang wika ni Perla. “Ano pa Lino, pumayag kana kasi!Mag date na tayo! Dadddd! Si Lino nga ayaw pumayag!!” ang pag atungal ni Silka. “O, sino naman siya, ang cute niya ah,” ang bati ni Stephen noong makita si Silka. “Ah nga pala Stephen, siya si Silka ang pinsan ni Perla. Silka siya naman si Stephen yung heart throb at Mr. University namin,” ang wika ko naman habang nakangiti. “Ah okay,” ang sagot ni Silka na walang kainte-interest kay Stephen na parang hindi siya nagwapuhan dito. “Hi,” ang tinatamad niya tugon sabay kamay sa binata. “Ang gaganda ng mga pangalan niyo ah, parang mga sabon lang. Perla, Silka, tapos diba yung isang pinsan mo sa university at si Lux at si Likas?” ang namamanghang hirit ni Stephen. Habang nasa ganoong pag uusap kami ay siya namang pag dating ng daddy ni Perla, may dala itong pana ang Igorot. “Baby bakit umiiyak ka? Ang maganda at kaawa awa kong baby girl,” ang wika nito sabay yakap sa dambuhalang anak. “Dad, si Lino nga ayaw pumayag na makipag date sa akin mamayang hapon at saka bukas!” ang pagmamaktol nito. Napakunot noo ang kanyang ama sabay harap kay Stephen, “Hoy Lino, bakit ayaw mong idate ang anak ko? Saka bakit humaharap ka sa kanya ng pawis na pawis ka? Hindi mo ba alam na ayaw na ayaw ni Princess ko ng amoy pawis! Makipag date kana sa kanya ngayon din!” ang wika ng ama niya na gagawin lahat para sa anak, tinutukan pa niya ng pana si Stephen. “Sandaling lang ho,”ang tugon ng binata. Umiyak si Silka at nag lulundag na parang bata dahilan para medyo umuga ang kinalalagyan namin, “Dad, hindi naman iyan si Lino, eto si Lino! Dad naman e!” ang pag mamaktol nito. Humarap sa akin ang tatay niya at napakunot noo, “Eh anak, ayaw mo ba dito sa isang ito? Mas gwapo ito at mas bagay sa kagandahan mo, eto nalang anak. Teka at kukunin ko yung shotgun doon sa kotse para maipakasal na kayong dalawa!” ang wika ng tatay niya. “Dad ayoko sa kanya! Walang dating sa akin iyang si tisoy! Si Lino ang gusto ko! Dad naman eh! Sabihin mo sa kanya na mag date kami at mag motel na agad!” ang pag iyak ni Silka habang nahawak sa braso ng ama. “Anak sayang itong isang ito, matangkad, maputi at parang labanos ang kutis, ayaw mo ba talaga sa isang ito?” tanong ulit ng ama na parang naninigurado. Tiningnan ni Silka ni Stephen mula ulo hanggang paa, “Ayoko sa kanya dad, si Lino ang gusto ko! Please!” “Hay mahilig ka talaga sa exotic anak,” ang wika ng tatay niya sabay tutok sa akin ng pana. “Hoy Lino, pumayag kana makipag date sa anak ko bago pa magdilim ang mata ko at mabaril pa kita,” ang galit na wika nito. “O sige na nga ho, pumapayag na ako pero bigyan nyo ng budget sa pagkain yung anak niyo dahil pag nagutom siya ay baka ako ang kainin niya. Mamaya po doon sa plaza, tamang tama pista ng mga bituin mamaya.” ang naka ngiti kong wika. “Pa, bigyan mo ako ng 100k mamaya para sa food, saka bibili na ako ng bagong dress na pang kasal para bukas ipakasal mo na kami ni Lino,” ang pagmamaktol ng matabang dalaga sabay kapit sa braso ng kanyang ama. “Bye Lino, mamaya ha. Arrggghhh! Halika pinsan ihahatid kana namin pauwi sa inyo!” ang wika pa ni Silka sabay hila kay Perla parang isang papel. “Bye na Lino, mamaya ha sa pista! Sumama ka rin Stephen!” ang pahabol na sigaw ni Perla habang kinakaladkad ng dambuhang pinsan. Naiwan kami ni Stephen sa parte. “Halika Troll sabay na tayo umuwi.” ang pagyaya niya sa akin. “Mainam pa nga, lalo akong nastress dyan kay Silka,” ang sagot ko. “Mukhang malaki ang tama sa iyo noon ah, at yung tatay niya ay talagang gagawin ang lahat para lang mapaligaya ang anak. Pero alam mo kapag iyon ang napangasawa mo? Sa tingin ko ay maghihirap ka at maluluge yung pwesto niyo sa palengke dahil malakas kumain iyon! At kapag nag away kayong dalawa? Tiyak na yang mga buto buto mo ay mababali at ospital ang bagsak mo,” ang wika ni Stephen habang lumalakad kami pauwi. “So paano natalo kita ngayong araw, mas gwapo ako sa iyo ngayon,” ang sagot ko naman dahilan para matawa siya at inakbayan ako dahilan para dumikit sa akin ang basa niyang kili kili “Alam troll, gwapo ka naman, madalas ka lang nilang biruin dahil mabait ang mukha mo at mukha hindi ka pikunin, believe me, kaunting kain lang yan, vitamins kapag tumaba ka ng kaunti ay gwapo at maganda ang kulay mo, pinoy na pinoy ang dating. Sa tingin ko ay dadalasan mo rin ang salsal para lalakas kang kumain,” ang wika niya habang nakangiti. “Bakit ikaw madalas ka ba mag ganon?” tanong ko naman. “Hmm, mga 2x a day lang, kaya nga energetic ako, nga pala lalaban sa fireworks display yung tito ko mamaya at ako ang assistant niya, manood ka ha,” ang wika niya sa akin bago lumiko sa kanto nila. "Sure naman, papanoorin ka namin ni Perla," ang nakangiti kong sagot. "Nga pala troll, marami pang babae sa mundo, maaari kang mamili na pinaka the best para sa iyo," ang pahabol niya at muli siyang tumakbo. Ako naman ay naglakad sa kabilang kanto patungo sa aming compound. Mag isa akong nag lakad pauwi, tahimik lang ako at binabaybay ang kahabaan ng daan, sa gilid ay nag kakalaglag ang natuyong dahon ng pine tree at habang pinagmamasdan ito ay hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Sadyang may mga bagay lang sa mundo na mahirap abutin katulad ni Stephen o ng pangarap kong love story. Halos ilang taon na rin akong nag hahanap at nag babaka sakaling mayroong isa sa isang milyong taon na mangangahas na mahalin ako. Ngunit sa kabilang banda ay nakakalungkot isipin na milyon milyong tao sa mundo wala man lang ni isa ang naglakas ng loob na makasama ako. Tahimik. Pag uwi sa bahay ay naupo sa likod ng aming bakuran. Humarap ako sa malawak na bukirin habang nakatanaw sa kalayuan. Habang nasa ganoong posisyon ako ay tumabi sa akin ni Tita Pat at saka inabutan ako ng malamig na inumin, "balita ko ay kinukulit kana naman ng matabang pinsan ni Perla," ang wika nito. "Oo nga po at tinutukan pa ako ng pana ng tatay niya para lang pumayag akong makipag date sa anak niya na kapag lumalakad at tumatalon sa lupa ay medyo yumayanig ito. Pero masaya ako dahil ito ang unang pagkakataon na may nakaappreciate sa akin." "Minsan yung mga taong nakaka appreciate sa atin ay yung mga taong hindi natin gusto. Alam mo hijo, ang pagmamahal hindi para isang exchange gift na kapag nalaman mong type ka o gusto ka ng isang tao ay gugustuhin mo na rin siya. Tiyak na magdudulot lamang iyon ng ibayong sakit para sa inyong dalawa," ang wika ni tita Pat. "Siguro ay mag aaral nalang ako mabuti at mag tatapos, baka kapag stable na ang life ko ay makatagpo na rin ako ng tamang tao para sa akin," ang tugon ko naman. "Sa mga maling tao tayo natututo, balang araw ay tatawanan mo nalang ang lahat ng pagkakamali mo noon at ang lahat ng sakit ay mawawala, lika nga dito binata kana talaga dahil nag-uusap na tayo ng ganitong kaseryosong bagay. Basta wag mo akong gagayahin na nagsara ng pinto para sa pagmamahal. Malungkot ang buhay ko kaya't dapat ay huwag mong hayaang maging malungkot rin ang buhay mo. After all, ang pinaka magandang defition ng success ay walang iba kundi ang happiness," ang dagdag pa ni Tita Pat sabay tapik sa aking balikat. Tahimik.. "Pupunta ka ba sa pista ng mga bituin sa plaza tita?" tanong ko naman. "Oo naman masarap panoorin ang fireworks Lino, the best ito lalo sa ganito season," ang wika ni tita Pat. "At bumili ako ng damit nating dalawa! Siyempre alin sunod sa tradisyon, tama ba? Huwa kang mag alala dahil hindi na kita inentry sa singing contest alam ko naman ayaw mo ng ganoong bagay," ang dagdag pa niya dahilan para matawa ako. "Hindi naman po sa ayoko, sadyang wala lamang akong guts sa mga ganyang bagay," ang wika ko naman habang nakangiti. Bago sumapit ang hapon ay nag luto kami ni Tita Pat ng espesyal na hapunan. Nakagawian na naming magpakain sa mga tao tuwing pista. Kami ang may pinaka malagong pwesto sa palengke kaya masasabi kong kami rin yung may pinakamaraming biyayang maibabahagi sa lahat. Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD