Baka Sakali Season 2 AiTenshi Part 50 "Oy Marcelino, bakit kanina ka pa naka titig dyan sa flyers ng pacontest ni Mayor. May balak ka bang sumali? Naku huwag na at matagal ko nang isinuko ang ambisyon kong maka kanta ka sa stage." ang wika ng aking ina noong makita akong naka tingin sa flyers ng Musikahan 2017 Hindi ako kumibo bagamat pumasok sa aking isipan ang mapangahas na ideya na lumahok. "Hindi ako sasali, pang pro lang ito." sagot ko sabay layo at binawi ko agad ang aking tingin sa flyers. "Aba e dapat lang. Baka maya maya ay matae ka na naman doon o bigla kang masuka o himatayin. Dito ka nalang sa bahay at mag tahi ng punda ng unan. Iginive up ko na ang frustrations ko at ang pangarap ko marinig kita kumanta sa itaas ng entablado, kahit talo sana basta makita lang kita hinara