Baka Sakali Season 2 AiTenshi Part 49 Naupo kami ni Perla sa ilalim ng isang malaking puno doon sa gilid ng Parke. Malapit ito sa man made na lawa kaya't nag bibigay ito ng ibayong lamig habang umiikot ang hangin sa paligid. Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ang pakiki usap sa kanya dahil kahit papa ano ay nahihiya ako sa aking inasal noon na pag papakita ng inggit dahil sa kanilang ginhawang tinatamasa. Tahimik.. "Ang husay mong mag turo. Nalilibang akong panoorin ka kanina. Alam mo ba hindi nawawala ang ngiti habang nakasulyap sa iyo." ang pag basag ni Perla sa katahimikan. "Salamat, bakit nga pala nag punta ka doon? Sana ay sinabi mo agad sa akin," ang tanong ko "Dahil gusto kita makausap. Hindi ako sanay na war tayo. Sorry kung medyo naging mayabang kami ni Aljan noong n