Baka Sakali Season 2 AiTenshi Part 48 "Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang umuwi? Galing ako doon sa paaralan ninyo, ang sabi ay kanina ka pa naka uwi." ang bungad ni Stephen noong makabalik ako sa bahay alas 10 ng gabi. Naka suot pa siya ng uniporme sa kanyang trabaho. "Tumambay ako doon sa session road, naupo sa gilid ng kalsada at nanonood sa mga sasakyang dumaraan." sagot ko "Tinatawagan kita, marami rin akong naipadalang text message sa iyo. Pero di ka sumasagot." "Nag palit ako ng sim card. May problema ba?" "Meron, dahil hindi mo man lang pinakinggan ang paliwanag ko. Alis ka ng alis. Takbo ka ng takbo palayo! Daig mo pa ang bida doon sa pelikulang maze runner!" ang asar niya sagot "Wala ba? Pero pakiramdam ko talaga tumatakbo ako sa isang malaking