Baka Sakali
AiTenshi
Part 23
"Marcelino, pag butihin mo ang pag titimbang at baka maluge tayo. Alam mo naman ngayon bawat guhit sa kilo ng karne ay mahalaga. Ayos ka lang ba? Bakit parang kanina ka pa tahimik diyan?" tanong ni Tita Pat habang abala kami sa pag aasikaso sa pwesto.
"Ayos lang po tita, medyo nahihilo lang ako ng kaunti." tugon ko habang abala sa pag titimbang.
Maya maya ay lumapit sa akin si tita Pat "Naku, nilalagnat ka pala. Ang mabuti pa ay umuwi kana muna at mag pahinga. Pasensiya kana at masyado yata kitang pinuwersa," ang bulong niya
"Ayos lang ako tita, kaya ko naman."
"Sshhh, hindi pwedeng mag benta ka ng pag kain o produkto na mayroon kang sakit. Hygiene iyan at baka mabatas tayong dalawa. Alas 4 naman na ang hapon, kaya ko na ito. Narito ang pambili ng gamot at panload mo, umuwi kana at mag pahinga." ang naka ngiting wika ni tita.
Wala naman akong nagawa kundi ang umalis sa pwesto at umuwi para makapag pahinga. Halos mag hapon rin kasi akong nakabantay sa palengke at sari saring amoy ang pumapasok sa aking ilong, masyado rin akong napuyat sa club house ka kagabi dahil sa halloween party.
Halos sariwa pa rin sa aking isipan yung eksena kagabi, parang totoo, parang kasayaw ko talaga si Stephen. Iyon ang imahinasyong binuo ng aking isipan upang maging masaya bagamat noong napag tanto ko na imposible ang bagay na iyon ay talagang ikinalungkot ko.
Nag aagaw na ang liwanag at dilim noong sumakay ako sa taxi pabalik sa bahay. Habang pauwi ay nakatanaw ako sa bintana at pinag mamasdan ang aming dinaraanan. Pag tapat sa aming campus ay hindi ko inaasahang makita doon sa Stephen sa waiting shed. Nag iisa nanaman ito at ang tanging katabi lang ay ang bote ng alak. Ang dalawa ay laman pa, ang tatlo ay ubos na.
Agad akong bumaba sa taxi upang suriin ang kanyang lagay. Ewan, ngunit parang paulit ulit lang ang nangyayari sa mokong na ito. Halos ilang beses ko na rin siyang nakikitang lasing dito mismo sa waiting shed. Ni hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya dahil hirap akong mag tanong.
"Stephen? A-anong ginagawa mo dito? Bakit nag lalasing kana nama? Akala ko ba ay okay kana? Talaga bang kina-career mo na ang pagiging sunog baga? " ang tanong ko
Tumingin ito sa akin ng matalim habang ang mukha ay pulang pula. Muli siyang tumungga ng alak at nag wika. "Tangina aso ka ba? Parati mong naaamoy na nandito ako! Sinusundan mo ba ako?" tanong niya na may halong pag kainis, halatang mainit ang ulo at ayaw na may makitang tao sa kanyang paligid.
"Hindi kita sinusundan, pauwi ako galing sa palengke at noong dumaan ang taxing sinasakyan ko dito ay nakita kitang nag iinom na parang wala sa sarili kaya bumaba ako upang kamustahin ka." ang sagot ko
"Ayos lang ako. Umalis kana." ang sagot niya
"Bakit mo ako pinapa alis? Akala ko ay mag kaibigan tayo?"
"Oo nga, pero ayokong nakiki alam ka at ayokong pinapaki alaman ako. Lagi nalang ikaw ang nakaka tiyamba sa akin dito, wag mo na akong paki alam this time.”
"Hindi ko naman pinapakialaman ang ginagawa mo. Kinakamusta ko lang kalagayan mo at mag kaiba iyon."
"So bakit nandito ka pa? Sinagot ko na ang tanong mo, OK LANG AKO. May gusto ka pang itanong?"
"W-wala na. Sige uminom ka lang. Pero sasamahan nalang kita. Huwag kang mag alala, hindi mo ako mararamdaman." ang sagot ko sabay upo sa gilid ng waiting shed pa distansya sa kanya.
"Bakit kailangan mong mag stay dito?"
"Baka mapag tripan ka pa dito kapag umabot ng gabi. Edi konsensya ko pa na hindi ka man lang tinulungan."
"Ayos lang, kaya ko sarili ko."
"Matapang ka ba? O matigas?" tanong ko naman
Tumungga siya ng alak at sumagot. "OO, matapang ako."
"Matapang ka lang pero hindi ka matigas. Dapat ay hindi mo dinaraan sa pag inom ang problema. Dalawang beses na kitang nakikitang naka handusay dito sa waiting shed, baka sa ikatlong beses ay mangyari nang masama sa iyo."
"Teka akala ko ba ay hindi ka makiki alam? Bakit parang pinahihinto mo ako sa pag inom? Sa tingin mo ba ay makikinig ako sa isang Nerd, Weird at palaging nakaupo sa silyang nirereject ng lahat?" sagot niya bagamat alam ko lasing lang ito at mainitin ang ulo kaya nag babago ng mood.
Ngumiti ako at tumingin sa kanya ng tuwid. "Wala naman akong sinabing "Itigil mo ang pag inom mo ng alak" diba? At tungkol sa sinabi mong weird ako, nerd at nirereject ng lahat. Sa tingin ko ay wala nang bago doon. Sanay na rin akong pinag tatawanan ng mga katulad mong gwapo, sikat at tinitilian ng lahat. Ako ay isang nilalang na nag pupumilit gustuhin ng mga tao sa aking paligid at kung minsan nga ay nagiging trying hard na akong ipakat ang aking sarili sa paligid na hindi naman talaga ako kabilang. Pero gayon pa man ay masaya ako dahil kahit paano ay mayroon akong mga kaibigan na tumanggap sa akin at minahal ako kung sino o ano ako. Alam mo kung bakit ako nalulungkot?" tanong ko habang naka pako ang tingin sa lupa.
"Bakit?" tanong niya
"Dahil umasa akong magiging kaibigan kita. At matatanggap mo na ganito LANG ako. Pero mali pala ako." ang wika ko sabay tayo at doon ay iniwan ko siya naka pako sa kanyang kinalalagyan. "Bakit nga ba makikinig siya sa isang weird, nerd at parating nakakatikim ng rejection katulad ko?" ang bulong ko sa aking sarili habang lumalakad palayo.
Halos mamuo ang luha sa aking mga mata habang lumalakad pauwi sa bahay, ramdam ko pa rin ang bigat ng aking pakiramdam at sinamahan pa ito ng bigat sa aking dibdib. Pakiwari ko tuloy ay nabroken hearted ako sa taong hindi naman ako literal na kilala.
"Oy! Sandali! Troll!" ang pag habol ni Stephen sa aking likuran. Tumakbo ito at parang naa-out of balance pa.
Huminto ako at lumingon sa kanya "Bakit?" ang tanong ko
Huminto ito sa aking harapan at napa kamot ng ulo "Bakit ako makikinig sa isang Nerd, Weird at palaging nirereject na katulad mo?" ang wika niya kaya naman tumalikod ako..
"Kailangan mo pa bang ulitin?" ang tanong ko sabay lakad palayo sa kanya. Talagang humabol pa siya para lang ulitin iyon?
"Bakit ako makikinig sa isang Nerd, Weird at Laging nirereject ang upuan na katulad mo? DAHIL IKAW LANG ANG NAG SASALBA SA AKIN SA TUWING NALALASING AKO. KAYA GUSTONG GUSTO KONG MAKINIG SAYO LINO!" ang sigaw niya dahilan para mapahinto ako.
"Totoo ba iyan? O baka naman bumabawi ka lang dahil naguguilty ka? Dont worry sanay ako sa mga sinasabi mo. Hindi mo na kailangang gawin iyan."
"Tangina naman. Kapag pinag sabihan ka ng taong lasing ay maniwala ka dahil iyon ang totoo. Wala ka namang ginagawang masama sa akin at parating maganda ang pinapakita mo, bakit kita ikakahiya? Gusto ko yang pagiging panget mo, ang pagiging nerd mo! Pero masarap ka naman i-lips to lips, malambot ang labi mo na parang babae," ang sigaw niya
"GAGO! Namintas ka pa!!" ang sigaw ko rin
"Teka hindi pa kasi tapos eh! Gusto ko ang pagiging panget mo, ang pagiging nerd mo katulad ng sinasabi nila PERO hindi naman ganoon ang nakikita ko sa iyo!"
"Eh bakit ba kasi kailangan mo pang ulit ulitin?"
"Paano hindi pa ako tapos ay nagagalit kana. Para ka namang babaeng sinusuyo eh. Bati na tayo! Please!" ang wika niya.
Tumango ako at ngumiti. "Lakas mong mambola."
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Hindi pambobola iyon. Minsan matuto kang mag karoon ng self confidence sa sarili mo. Maraming mga bagay na wala ka na mayroon sila pero marami rin namang bagay na mayroon ka na wala sila. Iyon ang lagi mong iisipin. Teka, ang init mo ah! May sakit ka ba?" ang tanong niya noong maramdaman ang init sa aking balat.
"Ayos lang ako, kaunti pahinga lamang ito." tugon ko sabay ngiti
"Akala ko ay tuyo lang labi mo. Eh namumutla kana pala kanina pa. Ihahatid na kita sa inyo." tugon ni Stephen.
"Huwag na. Kaya ko na ang sarili mo. Umuwi kana at lasing ka."
"Kaya ko pa naman." wika niya sabay ngiti.
Wala naman akong nagawa kundi ang lumakad papasok sa kanto kasabay siya. Paminsan minsan ay inaakbayan niya ako o kaya ay hinahawakan sa balikat. Samantalang ako naman ay kinikilig bagamat halos umiikot na rin ang aking paningin dahil sa mataas na lagnat.
Pag pasok sa bahay agad akong nahiga sa sofa, si Stephen naman ay naupo sa aking tabi. "Nasaan yung gamot mo?" ang tanong nito na parang nilalabanan ang kalasingan.
"Nandoon sa cabinet."
Tumayo siya para kunin ang gamot. Susuray suray rin ito nag tungo sa kusina upang kumuha ng tubig. "Ayos ka lang ba?" tanong ko naman.
"Oo naman. Ikaw ayos ka lang ba?" tanong rin niya
"Okay lang ako." sagot ko rin at dito ay inalalayan niya ang aking katawan upang makabangon at pag katapos ay pinainom nya ako ng gamot. "Salamat." bulong ko.
"Pahinga ka lang dyan." ang bulong rin niya sabay upo sa isahang sofa. Isinandal niya ang kanyang likod at ulo dito saka pumikit. "Sorry umiikot ang paningin ko." ang bulong niya.
"Ayos lang. Mag pahinga ka lang dyan." sagot ko rin at dito ay ipinikit ko ang aking mata. Paminsan minsan ay dumidilat ako upang sulyapan ni Stephen na noon ay bahagyang naka nga nga, naka bubuka ang hita at naka halukipkip ang braso sa katawan.
Nangiti ako habang naka titig sa kanyang gwapong mukha. Kung pwede ko lang sana siyang itali sa sofa upang manatili nalang siya dito ay gagawin ko. Kaso nga lang ay batid kong malabong mangyari ang mga bagay na iyon. Gayon pa man ang kasiyahan sa aking dibdib kapag kasama ko siya ay hindi kumukupas at hindi nag lalaho.
Itutuloy..