Baka Sakali
AiTenshi
Part 22
"Ayan! Ghost bride nalang ako! Mas keri ko pa iyon noh" ang excited na wika ni Aljan habang nag gugupit ng tela.
"Ghost bride? Gaga si Kim Chui iyon! Maganda iyon! Mag mamananaggal ka nalang! Iyan naman talaga ang plano diba?" ang pag basag ni Perla
"Oh mag miryenda muna kayo mga hija. Mabuti naman at niyaya nyo itong si Marcelino na sumali sa ganyang event." ang bungad ni Tita Pat na may dalang isang platong puto at softdrinks.
"Syempre naman tita. Gusto naming iimprove ang personality niyang si Lino at sa tingin namin ay ang halloween party ang makaka tulong sa kanya." sagot ni Perla
"Mabuti naman kung ganoon. Teka ano bang costume iyan ha?" pang uusisa ni tita
"Ako po ay Ghost Bride, Lino naman ay Zombie parang Warm Bodies ang datingan. Si Perla naman ay Aswang!" ang pang aasar ni Aljan
"Wag kang maniwala tita. Ang totoong plano at manananggal siya at ako naman ay mangkukulam. Wala kaming budget sa ghostbride noh"
Tawanan ang dalawa..
Ako naman ay naka tingin lang habang pinapanood sila sa pag tatahi ng mga desenyo. Mahusay naman talaga si Aljan dahil noong nakaraang taon ay siya ang nanalo gamit ang nirecycle na materyales. Nag libre pa nga ito ng dalawang box ng pizza noong makuha ang kanyang premyo. Si Perla naman ay talagang ambisyon ang maging fashion designer, madalas itong may dalang notebook at doon ay gumuguhit siya ng mga damit batay sa kanyang maisipang tema. Maswerte ako at may kaibigan akong talentado. Teka, ako kaya? Hindi ko alam kung anong talent ko. Marunong akong kumanta dahil namana ko sa aking ama ang magandang tinig ngunit ang problema ay wala akong lakas ng loob na humarap ang ibahagi ito sa mga tao kaya naman kadalasan ay sa kwarto lang ako kumakanta o kung minsan ay loob ng banyo.
At makalipas nga ang dalawang araw ay sumapit na ang event na ginanap sa club house ng subdivision. Alas 6 palang gabi ay talagang nag dag saan na ang mga kabataang naka suot ng costume. Kabilang na nga ako na naka zombie na ginawa sa larong plants vs zombie na may road cone sa ulo. Si Perla naman ay isang mang kukulam na may hawak na walis titing. At si Aljan naman ay talagang pinanindigan ang pagiging ghost bride na talaga namang umagaw ng atensyon noong dumating siya.
"Oh ano sila ngayon? Kabog silang lahat sa ghost bride costume ko!" ang mayabang na wika ni Aljan sabay lakad sa bulwagan.
Nag maganda na ito at talagang ibinuyangyang ang kanyang naiibang kasuotan..
Makalipas ang ilang minuto ay nakita muli namin siyang palabas ng bulwagan. Nag aapura at parang naka kita ng totoong multo. Takot na takot ito at nag papanic. "Oh bakit ganyan ang itsura mo?" ang tanong ko
"Naku, umuwi na tayo! May nanalo na!" ang natatarandang wika nito.
"Ha? Eh sino naman?" ang tanong ni Perla
"Nandyan si Maristela yung Miss Barangay. Naka sexy devil costume." ang wika nito
"Oh eh ano ngayon?" ang tanong ni Perla
"Umuwi na tayo dahil siguradong sya na ang makukuha." sagot ni Aljan
"At sino naman ang nag sabi sa iyo niyan?" tanong ko naman.
"Yung boobs niya!" ang takot na sagot niya at dito nga nakita naming palabas ng bulwagan si Maristela na Miss Barangay suot ang body fit na leather black bra at short. May buntot ito at sungay. Kapansin pansin rin ang kanyang malaking s**o na kumakaldag at umaalog pag humahakbang.
"Wow hanep sexy!" ang wika ng mga lalaki sa aming tabi.
"Ang laki nga." ang bulong ni Perla sabay takip sa kanyang dibdib.
"Umuwi na tayo! May nanalo na! Yung boobs niya!" takot na wika ni Aljan.
"Kahit na! Walang aatras sa ating tatlo! Hindi naman palakihan ng s**o ang labanan dito kundi pagandahan ng costume. Pumasok na tayo doon sa loob para maka kuha ng upuan." lakas loob na pag yaya ni Perla
At habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag pasok ni Stephen sa gate ng club house. Suot ang tuxedong body fit at kapa. Ang mata ay naka contact lens ng pula at ang buhok ay naka brush up. Halos napa tingin ang lahat sa kanyang pag lalakad. Yung mga babae ay nag tilian at hinimatay sa kilig. Yung mga lalaki naman ay nainis at parang nakaramdam ng inggit.
Ako naman ay nabato balani nalang sa kanyang kagwapuhan. Siya ay isang dracula ngunit tila isang angel na ang lalakad sa aking paningin. Nung nag sabog yata ng kagwapuhan ng Diyos ay siya lamang ang bukod tanging gising kaya't sinalo niya ang lahat.
"Ano ba iyan, sa bulwagan nandoon ang reyna ng boobs na si Maristela. Diyan naman sa labas ay nandiyan ang gwapong dracula si Stephen. Aba eh kupot na tayong mga chaka ahh! Napapaligiran na tayo ng mga kalaban!!" ang wika ni Aljan.
"Ikaw lang ang chaka noh! Pasok na tayo sa loob! Nagugutom na ako!" pag hila ni Perla.
Edi iyon nga set up, pumasok kami at pumili ng bangko kung saan maaaring kumain. Si Stephen naman ay nag tungo sa kanyang mga kateam mates at doon ay nag saya. Halos lahat sila ay naka tingin kay Maristela na noon ay palakad lakad sa kanilang harapan na animo nang aakit.
Patuloy ang tugtog ng masayang musika sa buong club house..
"Pasulyap sulyap ka pa kay Stephen. Kunwari pang may hinahanap pero doon ka naman nakatingin." bulong ni Perla
"Ito lang ang kaya kong gawin. Ang tanawin siya mula dito sa malayo." sagot ko naman.
"Sino ka si Jopet? Landi much!" ang sagot ni Perla sabay katok sa akin.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay na simula na ang progama. Lumabas ang emcee sa gitna ng clubhouse hawak ang isang envelope. "Magandang Gabi ng Lagim sa inyong lahat!" ang masayang pag bati nito.
Palakpakan ang lahat..
Emcee: Hawak ko na sa aking mga kamay ang resulta ng top 3 best in costume ngayong gabi! Handa na ba kayo?!"
Hiyawan ang mga tao sa club house..
Emcee: Huwag na nating patagalin ang pag hihintay! Heto na ang mga nanalo!!
Nag pula ang ilaw sa buong club house at dito at nag simulang ianunsyo ang mga nanalo.
Emcee: Unahin natin sa 3rd place. Makaka tanggap siya ng grocery, cellphone mula sa GrapesMobile at 5,000 pesos! Ang nanalo ay si...
Aljan Sta. Ana at ang kanyang nakaka libot na Ghost bride costume.
Palakpakan kami.. "Bagay na bagay talaga sa kanya ang costume na iyan. Nakaka kilabot ang dating!" ang dagdag pa ng emcee na may halong panunuya.
Emcee: Ang 2nd Place naman ay makakatanggap ng Brand New Electricfan, GrapesMobile Phone with 19mp front camera at 57mp rear camera. Mayroon itong internal memory na 64G at Extra battery! Makaka recieve rin siya ng cash prize mula sa kaban ng bayan na 9,000 pesos!!
Ang nanalo ay si..
*drum rolling*
Stephen Dela Cruz at ang kanyang dracula costume..
Palakpakan ang lahat. Ang mga babae ay hinimatay sa katitili. "Ang gwapo gwapo naman talaga kasi ni Papa Stephen. Pwede ko bang makuha ang number mo? Gusto mo sa iyo na rin ang cellphone at pitaka ko?" ang bumigay na wika ng Emcee samantalang si Stephen naman ay masayang kinuha ang premyo at mabilis na nag tungo sa mga barkadang barako.
Emcee: Ang 1st Place naman ay makakarecieve ng brand new flat screen tv. GrapesMobile na mayroong unlimited battery, super camera na kapag nag picture ka ay magiging korean ka. 1 year supply of gluta and free gift certificate ng libreng retoke ala Xander Ford. At tumataginting na 15,000 pesosesoses!!
At ang nanalo ay si....
Drum Rolling...
MARISTELA DELA BABA! At ang kanya Sexy Hot Devil Girl Costume!
Hiyawan ang lahat...
Rumampa si Maristela sa harapan habang kumakaldag kaldag ang boobs nito na mas lalo pang ipinakita na parang pampainit ng karborador. Maya maya ay lumapit siya kay Stephen ay inilingkis ang kanyang kamay sa dibdib nito. Tuwang tuwa naman si Stephen habang naka tingin sa kanyang cleavage. "Ang galing galing talaga ang pamangkin ko! Hindi lang beauty queen, napaka creative pa! Winner na winner ka dyan!" ang pag pupuri ng Emcee habang tinatanggap nito ang premyo.
"Luto naman iyan! Madaya!" ang wika ng mga kabataan sa likod.
"Porket gwapo at maganda nanalo na. Wala namang ka kwenta kwenta yung costume nila no!" reklamo ni Aljan
"Ganyan talaga ang realidad ng buhay. Walang paki alam ang tao sa husay at galing mo. Mas may paki alam sila sa itsura at sa pisikal na anyo. Alam mo naman na natural na sa tao sa pagiging utak ipis, kapag panget ka ay wala kang puwang sa lipunan, pag tatampulan ng tuwa, pipintasan, lalaitin at kulang nalang ay ipako ka sa krus at sunugin doon sa plaza. Pero pag gwapo ka o maganda ay hahangaan ka at hahabulin ng lahat. Aalayan ng bulaklak at luluhuran dahil sa matinding pag hanga. Iyan ang panunuya ng buhay. Mas gwapo at maganda sila kaya sila ang napansin at nanalo." ang wika ko naman.
"Tama. Wala namang paki alam ang tao sa magandang bagay sa buhay. Mas may paki alam sila sa mga panget na aspeto sa iyong sarili. Kaya nga diba sa mga social media ang bidang bida ay mga taong mahilig ipromote ang kanilang mga sarili. Pasusyal dito pasusyal doon para masabing may K sila sa lipunan at mag karoon sila ng maraming followers. Iyan ang makabagong mundo, mas binibigyan na ng atensyon ang mga bagay na mayroon ka. Pagiging "showy" o salitang balbal na mahilig mag pakita ng mga bagay na mayroon ka. Yung hindi man lang mag pa humble ng kaunti. Ultimo tag price at tatak ng brief o panty mo ay ipinopost mo sa social media." ang pag suporta ni Perla.
"Tingnan mo itong si Maristela, nag upload ng bagong picture na selfie. Kaunting mukha pero ang cleavage ay kitang kita. 500 likes ang s**o ng gaga at may caption pa "Type Amen!" Ano to holy cleavage? Holy water ba pinang huhugas niya sa s**o niya at naging banal ito? Fame w***e talaga!" ang galit na wika ni Aljan noong makita ang picture ni Maristela sa social media.
"Hay nako, hayaan nyo na nga lang sila sa trip nila." tugon ko
At habang nasa ganoong pag uusap kami ay namatay ang maliwanag na ilaw sa club house at napalitan ito ng dim light at mga sumasayaw na ilaw sa paligid. Kasabay nito ang sweet na musika hudyat ng pag sasayaw ng mga mag kakasintahan at mag kakapareha sa bulwagan.
Syempre may isang tambay na lumapit kay Perla at inaya itong mag sayaw. Tatanggi pa ba ang lola mo? Syempre hindi. Tapos maya maya ay lumapit namang bagets kay Aljan at inaya rin itong mag sayaw "Ano ba mamaya na yung talent fee mo. Isayaw mo muna ako para hindi malotlot ang ganda ko ngayong gabi." ang wika nito. Umupa lang pala ang loko kaya may nakipag sayaw rin sa kanya.
Naiwan ako dito sa upuan na parang isang bulaklak sa pader. Iyan ang sumpa sa katulad kong mahiyain..
Nag kasiyahan ng lahat ako naman ay nakaramdam ng pag kainip kaya nag tungo ako sa labas. Sa gilid ng club house ay mayroong isang garden na inayos at pinag mukhang halloween village. May mga disenyo rito ng mga pumpkin na umiilaw na naka sabit sa paligid na siyang nag bibigay ng magandang effects sa paningin.
Ang mga halaman ay may nakaka paikot na kulay berdeng ilaw at mayroon ring magandang upuan na mayroon nakapaikot na christmas light na puro dark blue. Kitang kita ang mga kulay na ito sa madilim na paligid..
Mula dito sa hardin ay rinig na rinig pa rin ang magandang musika na nag mumula sa club house..
Mahangin rin dito dahil nasa gawing bukirin ang lokasyon. Lalo umiihip ang hanging amihan.
Umupo ako sa bangkuan at dito ay huminga ng malalim habang naka harap sa bukirin. Kahit papaano ay hindi ako nakakaramdam ng lungkot dahil ako lamang mag isa sa lugar na ito at hindi ako nakakaramdam ng rejection mula sa mga tao sa aking paligid.
Nasa ganoong posisyon ako noon makita si Stephen na natayo sa bungad ng hardin. Hawak niya ang kanyang cellphone na para bang may tinatawagan. "Troll? Anong ginagawa mo dito?" ang tanong niya noong makita akong naka upo sa pahingahan.
"Nag papahangin. Ikaw?" ang pag babalik ko sa tanong
"Tinatawagan ko kasi yung mga tao doon sa bahay pero walang sumasagot. Bakit nag papahangin ka pa dito? Airconditioned naman yung loob ng club house. Bakit hindi ka makipag sayaw doon? Sayang naman yung magagandang babae." ang wika niya.
"Hindi kasi ako marunong sumayaw." naka ngiti kong tugon
"Naku problema nga iyan. Paano kang makaka kuha ng girl friend niyan kung pag sasayaw lang ay hindi ka pa sanay." ang sagot niya
"Ikaw naman yung gusto ko este walang talaga akong hilig sa pag sasayaw." sagot ko rin.
"Kadali e, Halika tuturuan kita pero walang malisya ito ha. Pareho tayong lalaki kaya't huwag kang tatawa." ang naka ngiti niyang salita sabay abot sa aking kamay upang maka tayo sa aking kinauupuan.
"Teka sasayaw tayo?" tanong ko naman
"Oo naman. Ganito tumingin ka sa aking mata at ipatong mo ang iyong kamay sa aking balikat. O kaya dito nalang aking dibdib at sabayan mo ang aking pag indak." ang wika niya
Marahan kong inilagay ang aking kamay sa kanyang matipunong dibdib at tumingin sa kanyang maamong mukha. Ang kanyang ngiti ay nakapang hihina ng tuhod at ang kanyang mga titig ay nakakalusaw. Pakiwari ko ay tumatagos ito sa aking kaibuturan.
Nararadaman aking palad ang t***k ng kanyang puso at ang kanyang mainit na hiningang dumadampi sa aking mukha. Pilit kong ikinalma ang aking sarili ngunit masyadong nangingibabaw ang aking kaligayahan kaya't pakiwari ko ba ay lumulutang ako sa ika pitong alapaap.
Nag lapit ang aming katawan at naramdaman kong inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking likuran.
At kasabay noon ang pag tugtog ng isang kanta mula sa club house.
Nag simula kaming umindak sa saliw ng musikang iyon. Makapigil hininga ang tagpo iyon, lalo kapag nalalanghap ko ang kanyang mabangong hininga..
Kung maaari ko lang itigil ang kamay ng orasan upang manatili kami sa ganitong posisyon ay gagawin ko. "Bakit?" tanong niya habang naka titig sa aking mata
"Baka nanaginip lang ako." ang sagot habang pinag mamasdan ang kanyang gwapong mukha.
"Huwag kana mag isip. Kung masaya ka ay damhin mo lang." naka ngiti niyang sagot.
Ayokong matapos ang gabing ito. Tila ba nag uumapaw ang kaligayahang aking nadarama. Naka tayo kami sa harap ng isa't isa at pinag sasaluhan ang isang kantang ng bibigay buhay aking gabi.
Patuloy akong nakatitig sa kanyang mata at ganoon rin siya sa akin. "Ayos ba?" ang tanong niya.
Ngumiti ako at sumagot "Sobrang ayos."
At kasabay noon ang pag tawag ni Perla at Aljan sa aking likuran.
"LINO!!! Nandyan ka lang pala!!"
Napahinto ako sa pag galaw at noong lumingon ako sa aking harapan ay wala na si Stephen dito. Doon ko napag tanto na ako lamang mag isa dito sa hardin mula kanina at imahinasyon ko lamang ang lahat..
Napayuko ako at napatingin sa clubhouse kung saan naroon si Stephen kasama ang kanyang mga kabarkada..
Tuloy pa rin ang kanta sa paligid..
Napangiti ako at napa buntong hininga..
"Goodnight Stephen." ang bulong ko at doon ay lumakad na ako patungo sa aking mga kaibigan.
Itutuloy..