KAAGAD nagluto si Elise pagdating ng bahay. Gusto niya ng gulay na maraming kalabasa. Nilagyan niya ito ng sitaw, konting gata at curry power. Ang malalaking isda na nabili niya ay naiprito lang. Pagkuwan ay nag-blend siya ng maraming kamatis para sa tomato soup. Alas-otso na ng gabi pero hindi pa siya kumain. Talagang hinintay niya si Terrence. Nag-abang na siya sa labas habang nakaupo sa bench sa bagong cottage. Ginugupo na siya ng antok at hindi nakatiis, humimlay ang ulo niya sa lamesa. Lumalalim na ang tulog ni Elise ngunit may kung anong mainit na lumapat sa kaniyang bibig. Muli siyang nagising at nahimasmasan nang makita si Terrence na nakaupo sa kaniyang tabi. Walang anu-ano’y yumakap siya nang mahigpit dito. “Hey!” angal nito. “Salamat naman at dumating ka na.” Humigpit pa