HINDI na-enjoy ni Elise ang outing dahil nanghihina siya at gusto na lang matulog. Naiwan siya sa cottage at natulog pagkatapos kumain. Hindi naman siya inabala ng mga kasama. Nagising lang siya nang pauwi na sila. “Sumama ka pa, Elise,” sabi sa kaniya ni Grace nang lulan na sila ng van pabalik sa orphanage. “Eh, ang bigat ng katawan ko. Okay pa naman ako kaninang tanghali. Pagdating talaga ng hapon tamad na tamad akong kumilos,” matamlay niyang wika. “Baka iba na ‘yan, Elise. Magpa-check up ka kaya.” “Fatigue ata ‘to.” “Mas mainam magpa-check ka para sigurado.” Tumahimik na lamang siya. Kinuha niya sa bag ang kaniyang cellphone na noon lang niya hinawakan. Marami ng chat si Terrence at missed calls. Nag-chat siya rito at sinabing pauwi na sila. Nagpasundo rin siya rito sa orph