Caela / Avrice Jazze. "Takaw mo!" narinig kong asar ni Audrey kay Ian habang pinagmamasdan nito ang bawat pagsubo ng pagkain ng binata. Nandito kami sa cafeteria ngayon at sigurado akong nakakaagaw-pansin na kami sa sobrang kaingayan ng mga kaibigan ko. "Gwapo naman!" Mayabang na naging sagot ni Ian. Inismiran siya ni Audrey dahil sa narinig na sagot. Mga aso't-pusa talaga kahit kailan. Hindi pa aminin na gusto nila ang isa't-isa. Nakita ko namang sabay na binato nina Marcus at Ivan si Ian ng ilang pirasong fries. That's fries! Bakit nila sinasayang 'yun? "Kapal mo, Ian. San banda?" Sagot naman ni Beatrice. Natatawa na lang ako sa mga kakulitan nila. Pare-parehong mga isip-bata. "Araw-araw na lang nagbabangayan kayo, pero iisa lang naman ang mga pang-asar ninyo sa isa't-isa." Natata