Caela. "Long time no see, Caela." Nakangising salubong ni Jannah sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng classroom, still remember her? Siya 'yung isa sa mga malditang nambubully sa akin dito sa Southwood University. Nandito na ulit ako sa mundo ng mga mortal. O sadyang nandito naman talaga ako dahil ang totoo, wala namang El Mystique world? Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin. Kung totoo ba talaga sila o hindi. Nagpasya akong ituloy ang pag-aaral ko kahit na ang totoo gulong-g**o na ako. Dire-diretso lang akong pumunta sa upuan ko dahil ayokong pagtuunan sila ng pansin. Masyadong mahirap paniwalaan ang mga pangyayari. Ramdam ko ang mga titig nila sa akin. Naiiyak ako! Sana kung panaginip man ito, gustong-gusto ko ng magising. I missed Papa and Mama. I missed Mich and the