Peter. "We are not the one who started it. Nag-uusap lang kami nang bigla silang lumapit at naghamon ng away. I don't violate rules. Right, girls?" Nakikinig lang kami sa paliwanag ni Nathalie. "Yeah, they insulted us! Bumawi lang kami." Sagot naman ng isang kasama niya. Ang aarte, bigyan ko sila ng tig-iisang tadyak e. Hmp. "Wow, pang best actress ang datingan! Ang kakapal ninyo! Kayo kaya ang nag-umpisa ng g**o. Kayo ang lumapit sa amin at bigla na lang magsasalita ng kung ano-anong pang-iinsulto." Pagtatanggol ni Michie sa panig nila. Go, Michie girl! Napatingin naman kami sa banda nila. Nakaupo silang tatlo sa harapan namin at ganoon din ang grupo nina Nathalie. Nasa kabilang sofa lang sila. Natatawa ako sa expression ni pretty Caela, habang pinagmamasdan sila Nathalie. She looks