Caela. Naglalakad ako papunta sa dorm namin. Namimiss ko na 'yung dalawang bruha kong kaibigan, halos magdadalawang araw ko na silang hindi nakikita. Siguradong nagtatampo na ang mga iyon sa akin. Marami akong utang na kwento sa kanila at siguro naman kahit sa kanila lang, pwede kong maibahagi na nakita ko na ang mga magulang ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sila ang Mama at Papa ko. Speaking of Papa. Nakakainis! Noong sinabi ni Papa kanina na nasa baba si Dashiell at sasamahan ako, hindi na magkaintindihan 'yung puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Abot-abot 'yung kabang nararamdaman ko sa isiping makakasama ko na naman siya. Wala eh! Malakas talaga ang epekto ng lalaking 'yun sa buong sistema ko. Kaso umasa lang anng letse kong puso. Akala ko totoo ngang na