Audrey. Like our daily routine, nandito na naman kami sa training field. Pagkatapos kasi ng klase namin, pag-eensayo naman ang pinagkakaabalahan ng mga estudyante ng Mystique. Hindi naman namin pwedeng balewalain ang maaaring mangyari sa mga susunod na araw, kaya mas maganda nang handa ang bawat-isa sa amin. Pero ngayong araw, kaming mga Superiors lang ang naririto sa field. Wala din si Ganda. Magdadalawang linggo na yata namin siyang hindi nakikita. Meron kasi siyang lugar na pinagsasanayan, at hindi pa siya umuuwi dito sa El Mystique. Miss na miss ko na ang babaeng iyon. Sobrang nakakapanibago lang na hindi namin siya nakikita nitong mga nagdaang araw. Tapos 'yung ibang mga estudyante naman ay nasa ibang bahagi ng academy at doon nagsasanay. Ilang araw na rin namin itong ginagawa, at