Caela / Avrice Jazze. "Gandaaa!" matinis na boses ni Peter ang sumalubong sa akin nang makarating kami sa field na kinaroroonan nila. Napangiti ako dahil dito pero mas lumawak yata 'yung ngiti sa mga labi ko ng isang nagmamadaling Dashiell ang tumambad sa aking paningin. Mas lalong gumwapo ang loko! "Hey, gorgeous! I missed you... so much!" malambing na bulong niya sa akin na sinabayan ng isang mahigpit na yakap na agad kong sinuklian Sobrang namiss kong yakapin ang lalaking ito. Hindi ko na nga alam kung sino ba ang kumuha ng basket sa kamay ko para mayakap ko din siya. Amoy na amoy ko ang natural niyang bango. Sana lahat kahit pawisan ay mabango pa rin. Hehe. "I missed you too, baby so... so much!" naiiyak na sambit ko habang nakasubsob ang mukha sa matipuno niyang dibdib. Hindi ko a