Caela / Avrice Jazze. In time of peace, prepare for war. Mabilis ang ginawang pagkilos ng bawat isa sa amin para makarating agad sa pinangyarihan ng pagsabog, at halos kalahati na nga ng parte ng elementary building ang natupok ng apoy ng makarating kami dito. Kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin ako na nasa training grounds ang mga bata kaya't walang nasaktan sa nangyari. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng panlulumo sa nasasaksihan ngayon. At hindi pa nga kami halos nakakabawi sa nakikitang senaryo ay may mga umaapoy na mga palaso naman ang kasalukuyang patungo sa direksyon namin kaya't agad na nagsikilos ang mga kaibigan ko upang mailagan ito. Ilang minuto din ang itinagal nito, bago tuluyang tumigil. "Woah! Buti na lang mabilis tayo, kung nagkataon sira na sana ang gw