Caela / Avrice Jazze. Sometimes we need to lose the small battles in order for us to win. Mabilis na naglaho sa paningin ko ang aking mga elemental dragons kasama si Sophia. Ngayon mapapanatag na ang puso't isip ko dahil nasa maayos na siyang kalagayan, alam kong hindi siya pababayaan nina Aira. Ngayon naman ay patungo ako sa Mystique Kingdom, nararamdaman ko na doon nagmumula ang isa pang malakas na enerhiya. Agad kong ipinikit ang aking mga mata at sa muling pagmulat nito ay sumalubong sa akin ang isa pang senaryo na hindi ko lubos maisip na maaari palang mangyari. Sira na ang kalahating parte ng kaharian, at napapaligiran ito ng nag-aalab na mga apoy. Wala na ang dating ganda at kinang nito. Tinupok na ng nagngangalit na apoy. "Nagustuhan mo ba ang munti kong regalo sa’yo, mahal n