Harper. "Pwede bang maupo ka muna, Harper? Kami ang nahihilo sa'yo." Masungit na ani Audrey sa akin pero hindi ko na lang siya pinagtuunan pa ng pansin. Wala sila sa katayuan ko! Hindi naman 'yung mga buhay nila ang nanganganib, sa akin! Sa akin! Walangya! "Isang ikot pa Harper, babatukan na talaga kita." Banta naman ni Marcus sa akin. "Sinabi ko bang panoorin ninyo ako? I'm f-cking nervous so I'll do everything to f-cking divert my attention. Bahala kayong mahilo diyan! Wala akong pakialam sa mga ulo at pakiramdam ninyo!" Sagot ko. Mga walanghiya, hindi ko naman sinabi na panoorin nila 'yung pagikot-ikot ko dito sa sala. Ako pa sinisi dahil nahihilo na raw sila! Baka hindi nagkasundo sina Caela at si leader. Patay talaga ako! T-ngina! Nakakakaba! "Ang bakla mo, Harps!" Asar ni Zoey