40

2217 Words

Caela.  Anong problema ng lalaking 'yon? Wala namang ginagawa sa kaniya 'yung pinto pero kung ibalibag niya akala mo may ginawang masama laban sa kaniya.  Mas mainit pa ang ulo sa akin, sa pagkakaalam ko ako ang babae sa aming dalawa at ako ang dinadatnan kada buwan.  "What happened? Bakit galit na galit si Dashiell? Muntik na akong atakehin sa gulat." Eksaheradang sambit ni Peter habang nakahawak pa sa dibdib niya. "Anong nangyari? Bakit kumalabog 'yung pinto? May nag-away ba?" Humahangos naman si Victoria, galing pa siyang kusina. Mayroon pa nga siyang dalang sandok. "Tahimik lang naman na nakaupo 'yon kanina diyan. Pero napansin ko na ang sama ng tingin kay Harper." Tugon naman ni Marcus kaya napatingin kaming lahat kay Harper na kanina pa namumutla. Isa pa 'to, hindi ko rin alam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD