Armand. "B-llshit! Where's the child? Nasaan ang lintek na batang nakakulong dito kanina? I told you to f-cking watch her, pero nasaan siya ngayon? Mga walang kwenta kayong lahat!" umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Sophia at unti-unti nang naglalabas ng itim na apoy ang magkabilang kamay nito. Nakita ko naman ang panginginig ng mga tauhan niya dahil sa takot. Samantalang ang kaniyang amang si Cameron naman ay mataman lang na nagmamasid sa paligid. Agad kong iniiwas ang aking mata nang makita kong nagtama ang aming paningin. Hindi pwedeng magkaroon sila ng hinalang may kinalaman ako sa pagkakatakas ng anak ko, na alam ko namang napaka-imposibleng hindi nila malaman. "Paumanhin, mahal na prinsesa. Nakatulog po-" hinging paumanhin ng isa sa mga dark mages na agad namang naputol sa pag