Caela / Avrice Jazze.. "Okay ka lang ba, Mich?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi siya tahimik simula ng bumalik kami dito sa palasyo. Sinabi na rin namin kina Mama at Papa na nasa poder ni Sophia si Dindin. At iyon nga ang pag-uusapan namin ngayon. Hinihintay lang namin na dumating ang iba pang mga council. 'Yung mga Superiors naman nandito na din sa palasyo, kaso may mga sarili silang mundo. Hahaha. "Ayos lang ako, sis. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ibang-iba na siya! Hindi na siya ang Sophia na nakilala ko... 'yung Sophia na naging kaibigan natin." Malungkot na tugon niya. "We can't do anything. Mas pinili niyang tahakin yung maling landas. Nakakalungkot nga lang, kasi sayang. Sayang 'yung mga pinagsamahan, na sa una pa lang pala ay hindi na n