"Ate... pag ba nawala ako? Mamahalin na ba ako nila Mommy at Daddy?" nagulat si Ate sa pag tanong ko sa kan'ya. Kita ko ang pagod at awa nito habang nakatingin sa akin. Nang gigilid ang mga mata nito habang nakatingin pa rin sa akin at hindi alam ano sasabihin. Ngumiti ako dito para ipakita sa kanya na ayos lang ako pero tumulo pa rin ang luha nito. "Gusto mo mahalin ka nila Mom and Dad?" agad akong tumango dito. "Kasi, Ate? Gusto ko alagaan ako ni Mommy gaya ng ginagawa n'ya sa 'yo, kay Ate Aleah... gusto ko din no'n. 'Yung hindi papasok si Mommy sa trabaho n'ya para alagaan ako..." Bumuhos ang luha nito na para bang nasasaktan sa mga sinasabi ko. "Pag minahal na nila ako? I will be the happiest woman in the world, Ate. I will be..." Pinunasan ko ang luha nito habang nakangiti.