Binuksan ko ang laptop na iniwan ni Ate. Doon ako nanonood. Pumasok sa isipan ko si Sacarias. Eto ang bonding namin noon, ang manood ng movie. Hindi ako mahilig sa ganito pero kung kasama naman si Sacarias, why not diba? Bumukas ang pinto ng room ko. Nakangiti akong tumingin kay Kier. May dala s'yang lasagna and pizza from greenwich. "Hi..." "Hello." nakangiting bati ko. "Wala kang work?" "Wala." binaba n'ya sa mini table ang dala n'ya saka naglakad papunta sa kama ko. Umupo s'ya doon saka tinignan ang pinanonood ko. "I-I heard you are pregnant." tumango ako sa kan'ya. Nakangiti s'ya sa akin pero nandoon ang lungkot sa mga mata n'ya. Huminga ako nang malalim at saka nag salita ako. "I am so happy, alam mo ba 'yun? Ang saya saya kasi may anak ako. Magkaka- anak ako." "Hindi mo ba sa