"You look great!" namamanghang sabi ni Brandon sa akin nang makita niya ako na lumabas ng bahay. Sinundo niya ako katulad ng sinabi niya sa akin kanina. Naka-black tuxedo si Brandon at may hawak na isang red rose sa kanang kamay. Iniabot nito sa akin ang bulaklak na may ngiti sa mga labi. "Mas maganda na ba ako ngayon kay Fiona?" Ngumisi sa akin si Brandon. "Kinukumpara mo pa rin pala ang sarili mo sa asawa ni Caliver. Mas matapang ang personality mo kaysa sa kanya." Pinisil ni Brandon ang tuktok ng ilong ko. "Aray..." Inirapan ko siya at saka pinalo sa balikat. "Dahil kaibigan mo ako kaya mo pinapalakas ang loob ko." Hinawakan ni Brandon ang kamay ko at tinitigan ako sa mukha. Bigla akong kinabahan sa kakaibang titig ni Brandon sa akin. "Dahil mahal kita..." mahinang sambit nito sa