Palihim kong sinusundan si Lunnox. Hindi ko siya p'wedeng lapitan ngayon dahil nakabantay sa bawat galaw ko si Hernan. Nandito ako ngayon sa mall kung nasaan sina Lunnox at Fiona. Alam ni Fiona na nandito ako ngunit si Lunnox, hindi nito alam ang mga binabalak ko. Sa totoo lang ayokong nasasaktan si Lunnox. Sinabi sa akin ni Paulo na nagpunta sa Villa Cortesi si Lunnox kanina pero hindi nila pinapasok katulad ng utos ko. Hindi kami p'wedeng magkita ni Lunnox ngayon. Gagawa na lamang ako ng paraan para makipag-usap sa kanya. Nakita ko si Hernan na palapit kay Lunnox. Hinayaan kong mag-usap ang dalawa, mukhang inaaya ni Hernan si Lunnox na mag-coffee sa katapat na shop sa kitatayuan ng dalawa. Sumama naman si Lunnox dito. Nagpasya akong sumunod at inayos ang suot kong suit. Naabutan ko s