Chapter 67

1221 Words

"Lunnox, anak, may problema ka ba?" tanong sa akin ni Mommy. Nandito ako ngayon sa bahay namin para dalawin ang mga magulang ko. Si Daddy naman bumalik na sa company dahil may mga problema na kailangan nitong ayusin. "Bakit hindi na lang ibenta ni Daddy ang company natin kay Caliver? Hindi na nagiging maganda ang takbo ng negosyo natin, Mommy." Hinaplos ni Mommy ang aking buhok. "Alam mo naman na kalahati ng buhay ng Daddy mo ang negosyo niya. Hindi niya p'wedeng pabayaan ang company natin dahil pamana iyon sa kanya ng Lolo at Lola mo. I know, nag-aalala ka sa Daddy mo dahil iniisip mo na p'wedeng maulit ang lahat lalo na ngayon na hindi pa rin nahuhuli si Gustavo. Ang inaalala namin ng Daddy mo ay ikaw anak. Natatakot pa rin ako na baka balikan ka ni Gustavo lalo na ngayon at nakabalik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD