Nandito ako sa loob ng sasakyan ko at nag-iisip kung papasok ba ako sa loob ng mansion nina Fiona o hindi. Hindi ko kasi alam kung ano ang binabalak niya tungkol sa akin at kay Lunnox. Sa lahat ng mga pagpapanggap niya noon parang natatakot na akong maniwala. Nagsinungaling lang ako kay Lunnox na may importante akong business meeting dahil ayokong pagsimulan ito ng problema. Nangamgamba ako na baka pakulo lang lahat ito ni Fiona at may iba siyang gustong hingin sa akin bilang kapalit. Bumuga ako nang malalim at binuksan ang aking sasakyan. Maraming mga bantay sa paligid ng mansion maging sa labas kanina. Si Venom ang boss na sinusunod nila dito. Nilapitan niya ako nang makababa ako ng sasakyan. "Nasa garden si Ma'am Fiona, boss. Puntahan na lamang siya ninyo doon." Tinapik ko ang bali