"NAWALA ka ng ilang araw... saan ka nagpunta?" tanong sa akin ni Brandon nang magtungo kami ni Warren sa restobar nito. "Ah, oo... may reunion kasi kami ng mga kaibigan ko noong highschool. Bale hindi lang siya reunion kun'di naging vacation na din. Balak ko talaga pumunta ng Cebu dahil gusto kong kausapin si Fiona. Alam mo na... to settle things. May realization kasi ako this week... kailangan mong patawarin nang bukal sa loob mo iyong mga taong nanakit sa iyo. At buksan muli ang puso mo sa mga bagong simula." Humahabi na lang ako ngayon ng kuwento para magtugma kami ni Warren. Ngunit iyong mga realization na sinasabi ko para iyon kay Brandon. Hindi pa ako handang makipag-usap kay Fiona. Hindi kayang makita na umiiyak siya dahil ako ang minahal at pinili ni Caliver. "Ikaw, kumusta ang