"Pakawalan ninyo kami dito!" sigaw ko habang pinaghahampas ang magkabilang side ng cargo truck. "Kapag nakalabas lang talaga ako dito mananagot kayo sa akin!" Nagbibihis naman ng damit si Fiona matapos alisin ng isang babae ang mga damit naming dalawa ni Fiona at bigyan kami ng damit na pamalit. Kinuha nila lahat ng mga gamit namin maging ang mga alahas na suot naming dalawa. Pareho na kaming nakasuot ng t-shirt at jogging pants nito. Napansin ko na matamlay si Fiona habang nakaupo sa gilid. "Siguro talagang plinano mo ito, no? Alam mo talagang mangyayari ito sa ating dala---" Natigilan ako sa pagsasalita nang makita kong sumandal si Fiona at ngumiti sa akin. Talaga bang gusto pa niya akong inisin. "Kanina ka pa sumisigaw diyan simula noong ilipat nila tayo dito sa loob ng cargo truck