"Sumuko ka na sa akin, Hernan. Wala ka ng ibang mapupuntahan. Ubos na ang mga tauhan mo at iilan na lang ang natira sa kanila. Sigurado ako ngayon na pinag-uusapan na ng Falcon ang pagpapatalsik sa iyo sa pwesto!" galit na sigaw ko dito nang maharang ko siya kasama ng iilan nitong mga tauhan sa isang abandonadong bodega. "Sa tingin mo ba ganoon na lang kadali ang mapasuko ako, Caliver! Ako si Martin Falcon, kinakatakutan at hindi kayang sindakin ng kung sinuman. Nakakalimutan mo na ba na kung hindi dahil sa akin noon ka pa sana namatay?" Mahina akong tumawa at hindi nagpakita ng anumang takot. "Inaamin mo na ba ngayon na hindi talaga ako ang dahilan kung bakit nakulong si Jasper? At dahil sa iyo kaya ako nakalaya ng ganoon kabilis? Gusto mo bang sabihin sa akin kung paano mo nagawang ili