Mula sa may madilim na sulok na bahagi ng public park ay naririnig ko ang mga sinasabi ni Lunnox. Alam ko kung gaano siya nasasaktan habang sinasabi nito ang nararamdaman kay Warren. Wala akong magawa kun'di makinig lamang sa kanya. Gusto ko siyang damayan kaso iniisip ko si Caliver. Ayokong samantalahin ang kahinaan niya para lang makipaglapit ako kay Lunnox. Sa ngayon gusto ko munang dumistansya. Ayokong makialam sa mga problema nila sa buhay. Si Caliver ngayon kailangan niyang ipagamot si Fiona. At ako kailangan kong magsimula at hanapin kung sino ba talaga ako. Matagal ko nang gustong makilala ang tunay kong pagkatao. Tahimik na ngayon ang negosyo. Ang Falcon, hindi ko nakikita na magiging kaaway ang grupo na iyon. Nagtitiwala si Caliver kaya panatag ako na hindi gagawa ng masama an