"PARA kanino ang ngiti mong iyan, boss?" nagtatakang tanong sa akin ni Brandon. Kasama ko siya ngayon sa San Martin at pinapabago ko ang disenyo ng bahay ni Don Guerer. Nagsisimula pa lang ang mga plano ko para palaguin pa ang mga negosyo namin sa pamamagitan ko. Nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa tanong ni Brandon. "Nililigawan mo na ba si Lunnox?" Ngumiti naman ito sa akin at saka umupo sa lamesa kung saan nakataas ang mga paa ko. "Kilala mo ako, boss. Hindi ako nagpapaalam kapag may ginagawa ako sa private life ko. Hindi ba dapat hindi mo na siya tinatanong pa sa akin? Akala ko ba wala ka nang dapat na alamin tungkol sa kanya?" Tinignan ko nang masama si Brandon. "Hindi ka nararapat kay Lunnox. Hindi ka gentleman... hindi ka marunong manligaw." "Boss, minana ko sa iyo ang s