Nakatanaw ako mula sa balcony ng bahay namin ni Caliver. Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik sa dati ang ugnayan naming dalawa ni Caliver. Pakiramdam ko may pader sa pagitan naming dalawa. At natatakot ako na mas tumaas pa ang pader na iyon. Mula noong umalis na si Lunnox nakapante na ako. Hindi rin lumalabas si Caliver ng Villa maliban na lang kung may importante itong pinupuntahan na hindi nito sinasabi sa akin. Ganoon naman si Caliver noon pa man at naiintindihan ko siya. Wala na akong maipagmamalaki pa sa kanya. Nasira na ang buhay ko at hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako kapag naalala ko ang masaklap na nangyari sa buhay ko. Tuloy-tuloy ang medication ko at tatlong beses akong dalawin ng doctor ko dito sa bahay. Gumagabi na at wala pa rin si Caliver, mar