"Bigla kang napadalaw, boss. May problema ka bang gusto mong sabihin sa akin? Tungkol ba iyan sa mga bata na inaalagaan ng foundation ninyo?" nagtatakang tanong ni Venom sa akin. "May dapat ba akong problemahin, Venom? Don't worry. Wala naman akong problema at kung mayroon man kayang-kaya ko naman iyong ayusin. Nandito lang ako para naman kamustahin ka sa mga ipinapagawa ko sa iyo sa San Martin. Tungkol sa casa at sa mga ibang negosyo na naiwan ni Don Guerer." "Boss, wala ka na bang tiwala sa akin? Papunta pa lang sana ako sa Villa mo. Naunahan mo lang ako." Umupo ako sa sofa at itinaas ang aking mga paa sa lamesita. "Alam mo bang marami akong mga kaaway ngayon na nagpapanggap na kaibigan ko?" "Boss..." "Alam ko naman na hindi mo ako kayang traydurin dahil malaki ang utang na loob mo