"O, hindi na naman maipinta ang mukha mo ngayon, Lu---" Buong araw na naging bad mood ako dahil kay Caliver. Mas lalo lang akong nainisi nang makita ko siya kanina at dahil sa kanya hindi ako kumain ng lunch. Bigla akong nawalan ng gana dahil sa kanya. Masama akong tumingin kay Brandon na kanina pa nagtataka sa ikinikilos ko. Kahit na may personal driver ako hindi ako nagpasundo sa kanya at tinanggihan ko rin si Owen na ihatid ako pati na rin si Warren. Mas gusto kong makausap si Brandon ngayon. Inagaw ko kay Brandon ang iniinom nitong softdrinks. Nandito kami sa isang tindahan sa tapat lamang ng motor shop dahil nasiraan ng motor si Brandon. Pumutok ang front wheel nito kaya kinailangan naming ipagawa. Nanlaki pa ang mga mata ni Brandon dahil sa ginawa ko. Napatayo ito at bumili pa ng